Lovi kay Rocco: Nakakatawa siya at guwapo pa!

ROCCO NACINO AT LOVI POE

ROCCO NACINO AT LOVI POE

PARA kay Lovi Poe, wala na siyang isyu sa “nakaaway” niyang direktor na si Erik Matti.

Ayon sa Kapuso leading lady, naka-move on na siya sa nasabing kontrobersiya at umaasa siya na ganu’n din daw ang magaling na direktor sa kanya.

Kung inyong matatandaan, naging malaking isyu ang pagre-resign ni Lovi sa pelikula ni Dingdong Dantes sa 2014 Metro Manila Film Festival na “Kubot: The Aswang Chronicles” na ikinabwisit nga ni direk Erik Matti.

Nag-post ng kanyang mahaba at emosyonal na mensahe sa kanyang Facebook account ang direktor laban kay Lovi kung saan tinawag nga niyang starlet ang Kapuso actress. Ayon sa chika hindi na itinuloy ni Lovi ang nasabing proyekto dahil maikli lang ang kanyang exposure, at hindi rin daw nagkasundo sa talent fee.

Nu’ng Linggo nga sa interview sa kanya ng The Buzz, sinabi ng award-winning actress na nakalimutan na niya ang nangyari sa kanila ni direk Erik Matti.

“For me, I’ve moved on from it already and I wish him (Erik Matti) all the best this Christmas talaga,” anang dalaga.
Sa ngayon, hindi pa sila nagkakausap nang personal ng direktor, “Wala sigurong pagkakataon na mag-usap. Pero for me naman, sa akin, okey na. Okey na ako. Parang nag-move on na ako from it.”

Kinumusta naman ni Kris Aquino ang relasyon ni Lovi sa boyfriend nitong si Rocco Nacino, chika ng aktres, “Yeah, mabait siya. And super fun kasi very refreshing, very light. So, masaya.”

Ang isa pang gustung-gusto ni Lovi kay Rocco ay ang pagiging masayahin nito at mahilig din daw itong mag-joke, “Kasi, yun ang hilig kong gawin, tumawa. So, wala akong gustong gawin kung hindi ang tumawa lang nang tumawa.  He’s a funny, handsome guy.”

Read more...