Atom Araullo ang cheap ng gimik sa pagre-report ng bagyong ruby

atom araullo
THERE seems to be much ado about Atom Araullo reporting na basang-basa sa ulan habang ang camera niya ay balot na balot naman. Some people bashed Atom. One said he’s gumigimik.

Another said that it was a cheap ploy to make him look heroic kasi nga basang-basa siya sa ulan habang nagre-report. Maraming kiyaw-kiyaw, maraming reklamo, maraming epal.

Bakit naman gigimik si Atom, aber? Kailangan pa ba niyang gumimik sa status niya ngayon sa news department? We don’t think mag-iisip pa siya ng gimik para lang pag-usapan ang kanyang reporting.

Baka naman he was out in the field kaya naman basang-basa siya and when it was time to report ay hindi na niya nakuha pang magpalit ng damit. Hindi ba naisip ‘yon ng kanyang bashers?

Hindi artista si Atom, news reporter siya so we don’t think gagawa siya ng gimik para lang siya pag-usapan. Kung gumigimik si Atom, eh, di lahat pala ng news reporter na nagpapakabasa sa ulan while reporting ay gumigimik din.

Bakit si Atom lang ang napapansin ninyo? Bakit hindi n’yo rin pansinin ang ibang news correspondents na nagre-report habang basang-basa sa ulan para maging patas kayo. Halatang may motibo at agenda ang tumitira kay Atom.

Kumita na raw ang gimik ni Atom. Why then are you still buying it? Doesn’t make sense, ha!

Read more...