SEMIS BERTH ASINTA NG SAN MIGUEL BEER

Mga Laro Bukas
(Cuneta Astrodome)
2 p.m. Purefoods Star vs Barako Bull
4:15 p.m. Blackwater vs San Miguel Beer
7 p.m. Globalport vs Meralco
Team Standings: Rain or Shine (9-2); San Miguel Beer (8-2); Alaska Milk (8-3); Talk ‘N Text (8-3); Barangay Ginebra (6-5); Globalport (5-5); Meralco (5-5); Purefoods Star (5-5); Barako Bull (4-6); NLEX (4-7); Kia (1-10); Blackwater (0-10)

SISIKAPIN ng San Miguel na maisubi ang ikalawang automatic semifinals berth  sa pamamagitan ng panalo kontra nangungulelat na Blackwater Elite sa pagtatapos ng elimination round ng 20141-5 PBA Philippine Cup mamayang alas-4 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sa alas-7 ng gabi na main game ay paglalabanan naman ng Globalport at Meralco ang twice-to-beat advantage sa quarterfinal round. Ang matatalo ay babagsak sa ikapito hanggang ikasampung puwesto.

Sa unang laro ng pambihirang triple-header sa ganap na alas-2 ng hapon ay magkikita ang defending champion Purefoods Star at Barako Bull sa isang no-bearing game dahil sa ang dalawa ay nalaglag na rin sa ikapito hanggang ikasiyam na puwesto. Kailangan nilang magwagi ng dalawang beses kontra sa makakaharap nila sa unang yugto ng quarterfinals.

Dapat sana’y noong Sabado pa magkikita ang Purefoods at Barako Bull sa Dipolog Sports Center subalit hindi ito itinuloy dahil sa pananalasa ng bagyong Ruby.

Nakamit na ng Rain or Shine ang unang automatic semifinals berth nang talunin nito ang Barangay Ginebra San Miguel, 100-90, noong Linggo.

Read more...