Hindi pa nagkaka-girlfriend (2)

Sulat mula kay Cedrick ng Tubod, Carmen, Davao del Norte
Problema:
1.      Wala naman po akong gaanong problema, may regular naman akong trabaho at okey lang naman sa company na pinapasukan ko. Ang problema ko lang sa ngayon ay tungkol sa love life. Kasi po magtu-29 na ako sa darating na December 16, until now di pa din ako nagkaka-girlfriend.
2.      Sana mahulaan nyo kung kailan magkaka-girlfriend. Lagi tuloy akong kinakantiyawan ng mga friends at co-employee ko kasi ako lang ang walang ka-partner sa office namin ngayong Pasko. Sana ay malaman ko rin kung sino-sino po ba ang babaeng ka-compatible ko?
Umaasa,
Cedrick ng  Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing isang babaeng isinilang sa zodiac sign na Leo ang magiging girlfriend mo, na madalas o laging nagsusuot ng sexy at kaakit-akit na damit.
Numerology:
Ang birth date mong 29 ay nagsasabing ang babaeng magiging girlfriend mo ay isinilang sa petsang 10, kung saan, maputi at makinis ang  balat, may magandang hubog ang pangangatawan, at photogenic sa Facebook at maging sa personal.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad ang nasabi ng pagtaya sa itaas, mas makabubuti kung lagi kang magsusuot ng kulay na berde at puti. Ang nasabing kulay ang hihigop ng magandang kapalaran, higit lalo sa pag-ibig at pakikipag-relasyon.
Huling payo at paalala:
Cedrick ayon sa iyong kapalaran wag ka nang malungkot, dahil kung hindi ka man magka-girlfriend ngayong taong ito ng 2014, sigurado namang pagbungad na pagbungad pa lang ng 2015, isang babaeng ipinakilala at inilarawan na sa itaas ang darating. Siya ang unang magkaka-crush sa iyo, kaya hindi ka na masyadong mahihirapan, hanggang sa sumapit ang buwan ng Abril kusa ng mabubuo ang isang matimyas at masayang pagmamahalan na magdudulot sa inyong dalawa, ng walang kahulilip at pang habang buhay ng kaligayahan.

Read more...