Rufa Mae inoperahan sa boobs: Magaling na pero kumikirot pa rin siya!

rufa mae quinto
May non-showbiz boyfriend pala ngayon si Rufa Mae Quinto at pitong buwan na pala silang magkarelasyon ngayon. Isa si Rufa Mae sa mga nakachika ng entertainment media sa ginanap na presscon ng Metro Manila Film Festival 2014 kamakailan.

Dito nga ibinalita ng Kapuso comedienne na in a relationship ang status ng lovelife niya ngayon. Ayon kay Rufa Mae, ang tinutukoy niyang boyfriend ang siyang nag-alaga sa kanya nu’ng inoperahan siya sa dibdib.

“Di ba nagkasakit ako? Nagkaroon ako ng cyst sa breast. A year before that, I was in pain, tapos naopera. In six months, mga four times, pero ngayon healed na ako.

But then, siyempre, hindi ako puwede…kapag ganitong maginaw, may kirot-kirot pa rin siya na eksena,” sey ng komedyana.
Hirit pa niya sa nasabing interview, “Basta may isang guy na, who has been there.

Inalagaan niya ako, no’ng masakit na masakit na at kailangan ko nang operahan. Nando’n siya. Concerned, ‘di  ba? Ha-hahaha! Tapos gumaling ka.  Parang thank you, thank you ka naman.”

Kasama si Rufa Mae sa MMFF entry na “My Big Bossing” nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Read more...