THREE-IN-ONE ang ginanap na event ng Belo Medical Group last Friday ayon sa executive ng company na si Cristalle Henares.Una, ang bridal shower ng kanilang Belo Bride na si Marian Rivera, pangalawa ang bagong produkto nila at pangatlo, ang pa-Christmas party nila for the entertainment press.
Pang-anim ang Belo sa mga nagbigay ng bridal shower kay Marian. But unlike other bridal showers, hindi lang si Marian ang inulan ng regalo kundi pati ang mga taga-media. Ganyan naman talaga ang Belo sina Dra. Vicki Belo at anak niyang si Cristalle, very generous talaga sila sa press.
Sayang at wala si Dra. Vicki sa bridal shower ni Marian dahil kasalukuyang nasa ibang bansa ang sikat na beauty surgeon para um-attend sa isang seminar. Kaya kahit masama ang pakiramdam ni Cristalle that day, no choice siya na asikasuhin ang event nila for Marian.
In fairness kay Cristalle, from the very first Christmas party ng Belo na siya ang nagpasimula, naaalala pa rin niya kami hanggang ngayon. She specifically instructed her PR Manager na si Eric na imbitahan kami along with Kuya Jobert Sucaldito and Tita Cristy Fermin.
Kaya very apologetic si Eric when we came to the presscon in a very short notice. Mabuti na lang we are around the area lang that time at nakiusap si Cristalle na um-attend kami. Ganoon ka-sweet si Cristalle.
Syempre, kinukulit-kulit na rin siya ng mga reporter sa bridal shower ni Marian kung kailan naman susunod si Cristalle. Masyado pa raw maaga para sa kanila ng guwapong foreigner boyfriend niya na si Justin Pitt.
Six months pa lang daw ang relasyon nila. Although, inamin ni Cristralle that she’s getting any younger. Ayaw naman daw niya na may edad na siya bago magka-baby. Baka raw mahirapan siya. Pero syempre, na kay Justin ‘yun ‘no kung kailan siya magpo-propose kay Cristalle.
Ang daming pictures nina Cristalle at Justin na magkasama sa kanyang Facebook account. At isa sa nasilip namin ay ‘yung picture nila with boxing champ Manny Pacquiao noong magpunta sila sa General Santos.
Heto ang post I Cristalle, “A photo from our crazy day trip to Gen San: “@emmanuelpacquiao never missed a day of training but decided to take a day off that day we went to Gen San. It was like a treasure hunt…
We had to hunt him down and found him at the site of the huge church he is building, having a barangay meeting to explain to the officers what his plans are.
“One other thing I noticed is that he had quotes from the Bible scattered all over his gym and even his home. I love how he puts God first in his life. He has made it his life mission to please and be victorious for Him… and that makes Manny the ultimate champ!” she said.
May PS pa si Cristalle sa post niya, and that, she love the Valentino shirt of Manny. Taray! Who would ever notice na Valentino ang suot na t-shirt ni Pacman habang binabantayan ang construction ng pinapatayo niyang worship center sa kanyang lalawigan?
E, syempre, ang mayaman ding tulad niya na branded and signature clothes din ang mga damit. And that’s Cristalle na tulad rin ng kanyang ina na pawang mamahalin lahat ang mga gamit.