Cagayan, Hapee itataya ang malinis na karta

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
12 n.n. Bread Story-LPU vs Cebuana Lhuillier
2 p.m. Café France vs Hapee
4 p.m. Cagayan Valley vs Racal Motors
Team Standings: Hapee (5-0); Cagayan Valley (5-0); Jumbo Plastic (5-2); Café France (4-1); Cebuana Lhuillier (3-3); AMA (3-4); Wangs Basketball (2-3); Racal Motors (2-4); Bread Story (2-4); Tanduay Light (2-4); MJM Builders (1-5); MP Hotel (1-5)

MAGTATANGKA ang Hapee at Cagayan Valley na maprotektahan ang malinis na karta sa pagbangga sa magkaibang kalaban sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang Fresh Fighters ay makakatapat ang Café France sa ganap na alas-2 ng hapon habang ang Rising Suns ay mapapalaban sa Racal Motors dakong alas-4 ng hapon.

Unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali ay sa hanay ng Cebuana Lhuillier at Bread Story-LPU Pirates na kung saan ang Gems ay kakapit pa sa ikalimang puwesto kung masungkit  ang ikaapat na panalo matapos ang pitong laro.

Parehong may 5-0 baraha ang Hapee at Cagayan Valley pero kailangan nilang ilabas ang magandang porma para maisantabi ang determinadong hamon ng Bakers at Alibaba.

Ang Bakers ay may 4-1 karta at kung manaig sa Fresh Fighters ay makakatabla nila ito at titibay ang laban para sa dalawang  awtomatikong upuan sa semifinals.

Sa kabilang banda, ang Rising Suns na galing sa 120-77 masaker laban sa MP Hotel sa huling laro, ay sasagupa sa Alibaba na kahit may 2-4 baraha ay nakikitaan ng magandang laro sapul nang kinuha ang serbisyo ni coach Caloy Garcia.

Read more...