Driver ka rin ba? (Part 15)

ALAM mo ba na ang trak o bus no sobra sa 160 kgs ang karga ay bawal at pagmumultahin ng P300?  Ang multa ay maaaring bayaran ng driver o operator ng trak o bus. Ang sobrang dami ng pasahero sa bus ay bawal din ay may multang P300.  Maaaring maliit ito, pero puwedeng di na makabiyahe ang overloaded na bus kung di ito magbabawas ng pasahero.
Bawal din ang paglalagay ng bagahe sa bubong, lalo pa’t wala ito sa ayos.  May multa itong P300.
Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo.  Sundan bukas.  Hasta la vista.

Lito Bautista, Executive Editor – BANDERA
September 26, 2009

Read more...