Huling finals berth sa PSC Baseball Classic pag-aagawan

PAGLALABANAN ngayon ng Philab, Ateneo at Unicorns ang ikalawa at huling upuan sa finals ng 2nd PSC Chairman’s Cup Baseball Classic sa Rizal Memorial Baseball Field sa Malate, Maynila.

Unang magpapang-abot ang nagdedepensang kampeon Ballbusters at UAAP champion Eagles at ang magwawagi ang siyang makakasukatan ng Unicorns sa ikalawang laro.

Ang Air Force ay nakapasok na sa finals nang pangunahan ang winner’s group matapos ang 12-2 panalo sa Unicorns noong nakaraang Linggo.

May twice-to-beat ang koponan sa finals na paglalabanan bukas sa nasabing palaruan na kung saan si PSC chairman Ricardo Garcia ay inaasahan na siyang maggagawad ng tropeo at gantimpalang P50,000 sa tatanghaling kampeon.

Pinapaboran ang Philab na siyang manguna sa loser’s side dahil ang mga manlalaro nito ay subok na bilang mga dating kasapi ng pambansang koponan.

Ngunit hindi nakakasiguro ang koponan dahil parehong determinado ang Eagles at Unicorn na pumasok sa finals at ipakita ang kalidad ng kanilang laro.

Read more...