Nabastusan lang ako sa ilang staff ni Batangas Gov. Vilma Santos dahil sa biglaang pagkansela nila ng supposed guesting ni Michael Pangilinan sa “Ala Eh Festival” echos nila slated for tomorrow sana.
Mid-last week kasi ay tumawag sila sa inyong lingkod saying na nakikiusap ang kanilang gobernadora na baka puwede kong ipahiram sa kanilang event si Michael to sing two to three songs for an honorarium of P20,000.
I checked on Michael’s busy sked and meron nga siyang inquiry for Mindoro on the same day (Dec. 7) at medyo mataas (talent fee) ng konti yung sa Mindoro actually pero hindi ko pa nasasagutan.
Since hindi kami masyadong in good terms ni Vilma these past three years, I thought of giving in to her request – kasi nga, baka ‘kako nagri-reach out ang lola Vilma ninyo. In short, gusto ko lang siyang pagbigyan kaya umoo ako.
In short, I cancelled that Mindoro booking. Sa next event na lang nila ‘kako kunin si Michael dahil meron kaming Batangas for Gov. Vilma Santos.
So heto na, days passed and finally, last Wednesday morning, pagkagising ko, I read a message from a Vilma facilitator saying na they had to cancel Michael’s guesting sa event dahil over-budget sila.
Na-overlook daw ng staff nila na wala na pala silang budget. Stupid, di ba? Ginulo nila ang schedule ng bata na dapat sana’y kumita sa Mindoro. Mga boba, di ba? Sa kagustuhang mapagbigyan lang sila heto’t nawalan pa ng kita ang pobreng bata.
And how insulting – para ma-single out ng kampo ng lola Vilma ninyo ang alaga ko dahil nag-over-budget sila is something na hindi ko matanggap sa aking isipan.
That is not valid for me dahil imposibleng walang P20,000 ang isang Vilma Santos para abonohan ito kung kinakailangan. Sa laki ng kinikita niya, di ba? Kaya iyan ay isang malaking kaululan.
Nakakabuwisit lang dahil nu’ng makiusap sila to put Michael in their event ay hindi sila nahirapan sa amin – agad-agad ay binigyan namin sila ng sagot.
In fairness to dear friends Mae Esguerra and Tita Chit Guerrero who are both very close to Gov. Velma, they tried to call me to reconsider Michael’s participation after kong maglatag ng aking disappointment sa pangyayari pero hindi na rin ako pumayag.
I opted that Michael attend his rehearsal tomorrow with his co-boyband mates for a Star Records project kaysa pumunta sa isang lugar na naubusan daw ng budget.
Tigilan nila ako sa kadramahan nila. At para namang hindi siya artista rin, parang hindi niya alam ang sistema. Masakit pakinggan na matatanggal ka sa isang palabas dahil nag-over-budget ang production.
Na tanging ikaw lang ang natanggal. Kaya from now on, talagang mamarkahan na namin itong si Gov. Velma.