KINAPITAN pa ng Cagayan Valley ang liderato nang manalo sa 2014-15 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Si Celedon Trollano ay may 24 puntos mula sa bench habang si Randy Dilay ay nagpakawala ng tatlong triples sa ikalawang yugto na kung saan lumayo ang Rising Suns para sa 120-77 demolisyon laban sa MP Hotel.
Ito na ang pinakamalaking winning margin sa kasaysayan ng liga at nangyari ito dahil nagtala ang Cagayan ng 58 percent shooting (43-of-74) at may 14 na triples.
Si Dilay ay tumapos taglay ang 12 puntos habang sina Abel Galliguez, Jarold Flores at Moala Tautuaa ay may 16, 12 at 11 puntos para makapantay uli ang Cagayan sa pahingang Hapee sa liderato.
MOST READ
LATEST STORIES