ANDI: Hindi po ako na-trauma sa mga lalaki!

Kahit daw iniwan ng boyfriend  nang mabuntis

WALANG galit sa mga lalaki si Andi Eigenmann, hindi raw siya na-trauma sa pakikipagrelasyon niya sa ama (Albie Casiño) ng kanyang anak na si Ellie.

Aniya, pwede pa rin naman daw siyang ma-in love sa isang lalaking tunay na magmamahal sa kanya at sa kanyang baby.

Pero ayon kay Andi, wala pa raw sa isip niya ngayon ang mag-enterain ng suitors at magka-boyfriend.

Pagtutuunan daw muna niya ng atensiyon ang kanyang anak at ang pagbabalik niya sa showbiz.

Kailangan daw niyang magtrabaho ngayon para sa future ni Ellie.

Sinabi rin ng dalagang ina na hindi na siya galit sa tatay ng kanyang anak, at papayagan din daw niya si Albie na makita ang kanyang baby kung gugustuhin nito.

Hindi raw niya ipagdadamot ang bata sa kanyang ama.

“All that matters is that my daughter will be complete and it’s okay for me for her to look for her father and if it’s okay for her father to meet her because it’s Ellie’s right. I’m fine with that kasi hindi na ako mahihirapan sa pag-e-explain.

Pero para sa akin sasabihin ko sa kanya ang totoo,” ayon pa sa batambatang mommy.

Dagdag pa niya, “Para sa akin, naniniwala naman po ako na pwede pa ring ma-in love, pwede pa rin siyang magkaroon ng daddy kasi para sa akin wala sa biology ang daddy.

Kung sino ang tuturing sa kanya ng anak, ‘yun ang ituturing niyang daddy.”

Mas mabuti na raw ‘yung wala siyang galit sa kanyang puso para magtuluy-tuloy na ang kanyang pagmu-move on.

Hindi lang daw kasi ang sarili niya ang iintindihin niya ngayon, may anak na siyang palalakihin

. At walang-wala raw talagang pagsisisi on her part.

“And if not for anything that happened in the past, I wouldn’t be where I am now and I’m really happy and I’m very, very happy being with Ellie.

Masaya ako, wala akong regrets at wala na akong dahilan para magkaroon ng sama ng loob.

Masaya naman ako ngayon,” pahayag pa ni Andi sa nasabing interview.

In fairness, ang payat-payat na ngayon ni Andi, para siyang hindi nanganak.

Paghahanda raw ito sa gagawin niyang project in the coming days.

Talaga raw dinidisiplina niya ang kanyang sarili para bumalik sa dati ang kanyang katawan.
“Kailangan kong ipakita sa mga tao that I deserve a second chance, lalo na sa showbiz.

Gusto kong ipakita na masaya ako at pagbubutihin ko ‘yung pagbibigay nila sa akin ng second chance.

Magko-concentrate ako sa sarili ko at sa trabaho ko paras a anak ko,” chika pa ni Andi.

Read more...