Coleen Garcia gustong pakasalan si Billy pero…

COLEEN GARCIA AT BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA AT BILLY CRAWFORD

“Bata pa po ako!” Ito ang naging tugon ni Coleen Garcia nang matanong sa presscon ng pelikulang “#Y (Generation)” kung may balak na ba silang magpakasal ni Billy Crawford.

Ayon sa It’s Showtime host, 22 pa lang siya at napakarami pa niyang gustong gawin sa kanyang buhay at career at very thankful naman daw siya kay Billy dahil all-out ang support nito sa kanyang mga proyekto.

Sey pa ni Coleen, handa naman daw maghintay si Billy (mas matanda sa kanya ng 10 taon) sa kanya, at naniniwala siya na darating at darating din yung perfect time para sa pagpapakasal. Mismong si Billy na rin ang nagsabi na ready siyang hintayin kung kailan magiging handa ang girlfriend.

“Marami pa akong gustong marating, I want to focus first sa career ko, lalo na ngayon, I’m doing a soap opera, yung Passion de Amor, (kasama sina Arci Muñoz, Ellen Adarna, Jake Cuenca), so mas magiging busy po ako, and tuloy-tuloy pa rin po ang Showtime,” ani Coleen.

Samantala, mukhang nalilinya nga si Coleen sa mga daring projects, tulad nga nitong Passion de Amor at ang pelikulang “#Y” na isa sa mga naging official entry sa nakaraang Cinemalaya X.

Marami ang nagsasabi na bagay naman sa kanya ang magpaseksi at pwedeng-pwede naman siyang makipagsabayan sa mga sexy actress natin ngayon tulad nga ni Ellen Adarna. Pero sey ni Coleen, ayaw naman daw niyang malinya sa pagpapaseksi, mas gusto pa rin niya na maging versatile actress.

In fairness, kahit baguhan sa larangan ng pag-arte, puro papuri naman ang natanggap ni Coleen sa ipinakita niyang akting sa “#Y”, hindi siya nagpalamon sa galing din ng mga kasamahan niya sa movie tulad nina Elmo Magalona, Kit Thompson, Slater Young, Sophie Albert, Chynna Ortaleza at marami pang iba, sa direksiyon ni Gino Santos.

Umani ng magagandang review ang “#Y” noong nakaraang Cinemalaya, at para sa mga hindi nakapanood nito, ito na ang chance para masilip ang buhay ng mga mayayaman  at mga modernong kabataan na siyang pinakatema ng pelikula. Ihanda n’yo lang ang inyong mga sarili sa ending ng movie dahil talagang nakakawindang ang katapusan ng kuwento.
Showing na ito sa Dec. 10 nationwide to be released by Star Cinema.

Read more...