Cristine Reyes, Ali Khatibi nagpa-party agad nang malamang baby girl ang magiging anak

cristine reyes
BABY girl ang ipinagbubuntis ng Kapamilya actress na si Cristine Reyes. Ito ang in-announce niya kahapon ng umaga sa kanyang Instagram account.

“Our ‘lil angel is a baby girl!” ang inilagay na caption ni Cristine sa isang litratong ipinost niya sa kanyang IG account kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend na si Ali Khatibi.

May hawak pa silang cake na may baby shoes sa ibabaw.  Kuwento ni Cristine, nagsama-sama ang kani-kanilang pamilya ni Ali sa isang salu-salo para sa “#genderreveal” ng kanilang magiging baby.

Present sa get-together ang sister niyang si Ara Mina na pregnant din ngayon courtesy of her boyfriend Mayor Patrick Meneses.
Bago ang “revelation” ni Cristine, nag-post na si Ara ng isang video sa kanyang IG account nina Cristine at Ali na kuha habang ginaganap ang nasabing “#genderreveal” party.

Nilagyan niya ito ng caption na: “And it’s a ‘?’ for @queencristinereyes and @alijoshua? Ang gulo ng pagkavideo ko (sobrang na excite lang ako) I won sa bet wohoooo??? Congratulations!!!”

Mahigit dalawang buwan na ang baby na ipinagbubuntis ni Cristine. Sa unang pag-amin ng aktres na siya’y nagdadalang-tao, sinabi niya na pinag-uusapan na rin nila ni Ali ang kasal, pero sa ngayon naka-focus muna sila sa kanilang magiging baby girl.

Read more...