Ai Ai sa bagets na boyfriend: Mahirap ang pinagdaraanan natin pero kaya natin ‘to!

ai ai delas alas
Ramdam na ramdam namin ang sobrang pagmamahal ni Ai Ai delas Alas sa kanyang bagets na boyfriend na si Gerald Sibayan.
Nabasa kasi namin ang napakahabang birthday message niya kay Gerald na nag-celebrate nga ng kanyang 21st birhday noong Nov. 29.

Nasa Japan ngayon ang magdyowa at doon nagpapakaligaya sa piling ng isa’t isa. Sa Instagram ipinost ni Ai Ai ang kanyang emosyonal na pagbati sa kanyang boyfriend na may photo collage pa with matching Ronnie Liang’s song na “Nginit”.

Narito ang kabuuan ng mensahe ng Comedy Queen sa kanyang batambatang dyowa.“THIS IS YOUR SPECIAL DAY MR GERALD SIBAYAN (partner, boss, baby, bebe, coronel , pringles and ang latest babs….’lam ko mahirap ang dinaanan naten at dinadaanan pa din pero may kasabihan nga LOVE CONQUERS EVERYTHING—kaya natin to sobrang dasal lang at malalampasan naten to lahat.

“At parate ko sinasabi sayo at sa sarili ko I am always thankful to GOD dumating ka pinasaya mo ang buhay ko at iniba ang pananaw sa pagibig (lumang salita te hayaan mo na parang nerbyos din yan dapat kinakabahan. pambata hahaha).

“You walk into my life and make me realize why it never worked out with any one else, maraming salamat sayo and on this special day i want to greet you A HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY — enjoy your happy bday with me—enjoy life—always be thankful to GOD, and if sometimes nasasaktan ka na hinga ng malalim at isipin they just know your name but not your story. I LOVE YOU SO MUCH! GOD BLESS YOU SO MUCH BEBE.”

Read more...