Jumbo Plastic taob sa Racal

Mga Laro sa Huwebes
(Ynares Sports Arena)
12 n.n. MP Hotel vs Cagayan Valley
2 p.m. AMA University vs Jumbo Plastic
4 p.m. Tanduay Light vs Wangs Basketball
Team Standings: Hapee (5-0); Cagayan Valley (4-0); Café France (4-1); Jumbo Plastic (4-2); Wangs Basketball (2-2); AMA (3-3); Cebuana Lhuillier (3-3); Racal Motors (2-4); Bread Story (2-4); MP Hotel (1-4); Tanduay Light (1-4); MJM M-Builders (1-5)

PINABAGSAK ng Racal Motors ang Jumbo Plastic habang kumulekta rin ng hiwalay na panalo ang AMA University at Cebuana Lhuillier sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Nagkalat ng 13 sa kanyang 19 puntos si Jeff Viernes sa ikatlong yugto para tuluyang kontrolin ng Racal ang laro at kunin ang 77-66 panalo sa Giants.

Dalawang triples ang ginawa ni Viernes para pasiklabin ang 22-10 palitan upang ang dalawang puntos na kalamangan ng Jumbo Plastic ay naging 58-48 bentahe para sa Racal. Sa kabuuan ng ikatlong yugto ay umiskor ang tropa ni coach Caloy Garcia ng 31 puntos laban sa 17 ng Giants na nalaglag sa 4-2 baraha.

“Hindi maganda ang ipinakita namin sa last game pero bumawi sila ngayon,” wika ni Garcia na ang koponan ay umangat sa 2-4 baraha.

Read more...