Daniel: Diyos ko naman! bawal ang ganu’n sa amin ni Kathryn!

daniel padilla
SA wakas nagsalita na rin si Daniel Padilla tungkol sa “kissing scandal” nila ni Kathryn Bernardo. Recently, kumalat sa social media ang picture ng Teen King & Queen kung saan makikitang tila naghahalikan ang dalawa.

Ayon kay Daniel, wala itong katotohanan, hinding-hindi raw niya magagawang halikan na lang basta-basta si Kathryn, lalo na sa harap pa ng maraming tao.

Kumalat ang nasabing litrato sa social media habang nasa Canada sina Kathryn at Daniel kung saan sila nag-show para sa Filipino community roon.

“Ay hindi. Diyos ko naman. Bawal ‘yun, bawal ‘yun dito,” ang bulalas ng young actor sa interview ng The Buzz noong Linggo. Nagkukulitan lang daw sila ni Kathryn that time, at walang halikang naganap.

Dagdag pa niya, “Lagi ko namang ginagawa sa kanya yun (pinipisil) yung mukha niya. Hindi (ko siya hinahalikan.”
Kamakailan, nagdenay na rin si Kathryn na naghalikan sila ni Daniel sa Canada, sey ng dalaga, “Mahilig kasi si DJ ganyanin (pisilin) ‘yung mukha ko, eh.

Inaasar niya kasi ‘yung cheeks ko! May mga tao kasi na nandoon na, na naghatid sa amin sa airport. Makikita mo na ‘yung ibang fans, nandoon sila, so nag-picture sila.”

“Siguro nu’ng ginaganu’n ‘yung face ko, nasakto na parang na-block (yung face). So pag titignan mo sa picture, parang nag-ki-kiss,” ani Kath.

Read more...