Jackie Rice umaming aktibo ang sex life: Pero ayoko pang mabuntis!

jackie rice
Isa si Raffy Tulfo sa kinuhang ambassador ng ATC Healthcare International para sa Robust Extreme, nakachikahan siya ng ilang members ng media sa ginanap na presscon kamakailan, kasama ang Kapuso actress na si Jackie Rice.

Kilalang tigasin ang TV-radio host, pero hindi lang pala ang personalidad niya ang matigas, kundi maging ang kanyang pagkalalaki raw.

Paliwanag ni Raffy, “Kasi may misconception na kapag uminom ka (ng Robust), ibig sabihin mahina ka na at kailangan mo na ng lakas, hindi po, kundi para ma-enjoy mo ang intimacy.”

“Ang kagandahan pa, kahit na nakainom ka at may tama ka na, tatalab pa rin. Totoo ‘yan, kasi nasubukan ko nga,” pahayag pa ni Raffy.

Kinuha rin si Jackie Rice na endorser ng nasabing brand dahil sa kanyang angking kagandahan kaya natanong din siya kung kumusta naman ang sex life niya? Nakakabilib ang aktres dahil hindi niya ito itinanggi, “Ang masasabi ko lang po, kami pa rin ng boyfriend ko at six years na kami kaya ano kaya ang sikreto?”

Pero hindi pa raw siya handang magkaanak kaya nagpa-practice sila ng boyfriend niya ng safe sex at hindi raw siya nahiyang aminin ito dahil liberated siya at higit sa lahat, wala naman daw asawa ang boyfriend niya kaya umaasang sila na ang magkakatuluyan dahil ayaw niya ng may iba pang susunod na karelasyon.

Read more...