Sam Milby nakaw-eksena sa parking lot, biglang sumabit sa van

sam milby

Nagulat ang mga nakakita kay Sam Milby habang papasok sa parking lot ng Ayala Fairview Terraces dahil literal daw na nakasabit ang aktor sa labas ng Starex van niya noong Sabado ng hapon.

Ito’y para i-check pala kung sasabit ang bubungan ng sasakyan niya dahil mababa ang ceiling ng nasabing parking lot.
Base sa kuwento ay nag-alangan daw ang singer-actor kaya sinasabihan niya ang driver niya habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan.

Natuwa naman ang mga nakakita dahil parang hindi raw artista si Sam, wala kasi itong pakialam kung makita siya ng mga tao sa ganu’ng sitwasyon, samantalang ‘yung ibang artista ay walang pakialam sa mga ganu’ng eksena.

“Sobrang humble ni Sam, parang hindi artista,” kuwento sa amin.  Maging ang marshalls ng sumundo kay Sam ay walang magawa nang iabot mismo ng aktor ang kamay sa mga gustong makipag-kamay sa kanya.

Samantala, bukod sa mall shows ay abala si Sam sa bagong album niya mula sa Star Records at shooting ng pelikulang “Ex With Benefits” kasama si Coleen Garcia mula sa direksyon ni Gino Santos for Skylight Films na nakatakdang ipalabas sa 2015.

Read more...