KINORONAHANG Miss Earth 2014 si Miiss Philippines Jamie Herrell sa ginanap na coranation night noong Sabado ng gabi sa UP Diliman Theater sa Quezon City.
Tinalo ni Jamie ang iba pang mga kandidata sa nasabing international pageant mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang naging tanong kay Miss Philippines during th question and answer portion ay: “If you win tonight’s crown what will you do to reverse global warming?”
At ang naging sagot naman ng Cebuana beauty queen ay, “Global warming has been known to be a long, overdue issue. I will use my title to inspire others, help our environment, and we start with the kids – the kids are the people of tomorrow.”
Ang iba pang nagwagi sa ginanap na coronation night ay sina: Miss Earth Fire: Anastasia Trusova ng Russia; Miss Earth Water: Maira Alexandra Rodriguez ng Venezuela; at Miss Earth Air: Andrea Neu mula sa USA.
Nagsimula ang programa sa pagrampa ng lahat ng mga kandidata suot ang kanilang mga pink gowns. Sinundan ito ng pagpapakita ng video montage ng kani-kanilang eksena habang narito sa Pilipinas.
Pagkatapos nito in-announce na ang top 16 at sinundan na ng swimsuit at evening gown presentation, hanggang sa announcement ng top 8.