Tuwang-tuwa ang Korean popstar na si Sandara Park na muli siyang nakabalik sa Pilipinas. Tinupad niya ang kanyang pangako sa kanyang kaibigan at batchmate sa Star Circle Quest noon na si Joross Gamboa – dumating nga siya sa kasal nina Joross at Katz Saga, isang modelo.
Pero ang isa sa talagang pinag-usapan sa social media nu’ng gabi ng wedding ni Joross ay ang mga litrato ni Sandara kasama si John Lloyd Cruz (malapit ding kaibigan ni Joross) na ipinost sa Instagram.
Kuha ang mga nasabing larawan sa photo wall ng reception, at ayon nga sa followers at fans nina Dara at Lloydie, ang lakas daw ng chemistry ng dalawa sa picture pa lang kaya marami ang nag-suggest na gumawa sila ng pelikula o teleserye, para bagong putahe naman daw.
In fairness, agree rin kami, nu’ng makita namin ang picture ng dalawa sa IG, may kilig kaming na-feel. Ha-hahaha!