Bossing: Lucky charm ko talaga si Pauleen sa MMFF!

vic sotto
PAULIT-ULIT na tinanong si Vic Sotto sa presscon ng “My Big Bossing” na isa sa official entries sa Metro Manila Filmfest on December ang tungkol sa kasal nila ng girlfriend niyang si Pauleen Luna who incidentally ay kasama rin sa nasabing comedy-fantasy film.

In return, pareho rin naman ang isinasagot ni Vic sa mga isyu sa kanila ni Pauleen. Nagbiro tuloy si Vic sa media kung bakit sila naiinip samantalang siya ay hindi.

Sanay na sanay na si Vic sumagot sa mga ganyang tanong. Nakailang nobya na ba siya sa showbiz? At ‘yun din ang palaging itinatanong sa kanya, “kailan niya pakakasalan?”

But at least naman, sumasagot si Vic. At sa presscon ng “My Big Bossing” nilinaw niya na hindi siya ang financier nang ipinapatayong bahay ni Pauleen.

Tsika ni Vic, si Pauleen at mga magulang ng girlfriend niya ang gumastos sa bago nilang bahay. “Sila ang nagpatayo noon, wala naman akong kinalaman. If ever na magpapatayo, kaming dalawa.

Hindi ‘yung magpapatayo ako ng bahay para sa kanya,” paglilinaw ni Vic. Feeling lucky charm ni Vic si Pauleen kaya ka-join ulit ang nobya niya sa “My Big Bossing.” And this time, kasama na si Pauleen sa parada ng mga entries sa MMFF.

Based on the trailer, kitang-kita na may effort na gawing magandang-maganda at malaking-malaki ang latest entry niya sa MMFF. And hopefully, maraming bago talaga na mapapanood sa “My Big Bossing.”

Remember last year, may mga bumatikos sa una nilang pelikula ni Ryzza Mae Dizon na “My Little Bossings” with Bimby Aquino Yap. Mukhang tinake naman ni Vic ang puna sa movie niya constructively, kaya hayan, tatlo pa ang kinuha nilang direktor para sa “My Big Bossing,” huh!

Tatlong episodes kasi ang movie. Una, ang “Sirena” sa direksyon ni Tony Reyes. Sumunod ang “Taktak” ni Marlon Rivera at ang pangatlo ay ang “Prinsesa” na dinirek ni Joyce Bernal.

Bukod kay Ryzza Mae at Pauleen, kasama rin sa “My Big Bossing” sina Marian Rivera at Nikki Gil. And this time, ang anak ng child wonder na si Niño Muhlach ang kapartner ni Ryzza, si Alonso Muhlach.

Gaya ni Bimby, Inglisero rin si Alonso, huh! No wonder, nosebleed na naman si Ryzza sa set ng “MBB”. Kung bakit naman kasi natataon lagi na ang kasama niyang child star sa movie ay English-speaking, e.

Read more...