Going back to Bet Ng Bayan, nakilala namin ang ilan sa mga masuswerteng nakapasok sa semifinals ng contest. Sa Mega Manila “Bet Sa Kantahan” category nandiyan sina Veronica Atienza na lumaki at nag-aral sa Sydney, Australia at nagtrabaho rin bilang waitress at street musician; at si Apple Dellevacabuyao na taga-Laguna, suki na siya ng mga singing contest, siya rin ang breadwinner sa pamilya matapos malugi ang kanilang family business.
Ang mga Mega Manila “Bet Sa Sayaw” contenders naman ay ang Names Going Wildtanza mula sa Navotas City na binubuo ng pedicab at tricycle driver; at ang A’S Crew ng Muntinlupa City na binubuo naman ng mga produkto ng broken family, meron pa nga sa kanila na binubugbog dahil sa pagsasayaw.
At ang mga maglalaban naman para sa Mega Manila “Bet Sa Kakaibang Talento” ay ang Techno Jazz mula sa Sampaloc, Maynila, na binubuo naman ng mga palabang beki; at si Adrian Adriano ng Dasmariñas, Cavite, ang magician mom na dating teacher.
Binigyan ng sample ng mga contestants sa ginanap na presscon ang members ng entertainment media, at talagang mapapanganga ka na lang sa kanilang mga talent, lalo na ang grupo ng mga beki na ilang beses na ring sumali sa mga competition kung saan waging-wagi ang kanilang buwis-buhay stunts.
Actually, napanood na namin ang panglaban nilang talento sa Bet Ng Bayan, at sa bawat stunt na ginagawa nila ay talagang napapaigtad kami, na para bang kami ‘yung hinahagig-hagis nila sa ere na anytime ay babagsak.
Inamin naman ni Alden na may mga episode na naaapektuhan siya kapag may bet siya na natatalo. Pero proud na proud daw siya sa mga napiling finalists ng mga judges ng Bet Ng Bayan na posibleng maglaban-laban sa darating na grand finals.
Napapanood pa rin ang Bet Ng Bayan tuwing Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7 lang.