Julie Anne payag bang mag-pose sa FHM?

julie anne san jose
WALANG kaplanu-plano si Julie Anne San Jose na mag-pose ng nakahubad sa men’s magazine, tulad ng FHM. Marami kasi ang nagsasabi na napakalaki ng iginanda ng katawan ngayon ng Asia’s Pop Sweetheart kaya pwedeng-pwede na siyang maging cover ng sexy magazine.

“Ayoko po. I have no plans, I have no plans po. Wala po akong thoughts na ganu’n. In the first place, I’m a singer, so iyon po,” anang dalaga.

Samantala, todo na ang paghahanda ni Julie Anne para sa “Hologram” concert niya sa Dec. 13 sa SM Mall of Asia kung saan magiging special guests niyang sina Christian Bautista, Abra, Sam Concepcion at marami pang iba.

Read more...