Kris sa bagong negosyo: Nakakanerbiyos siya!

kris aquino
MAAGANG dumating si Kris Aquino sa Alimall Cubao noong Biyernes para sa opening ng unang Chowking franchise nila ni Dominic Hernandez dahil gusto raw munang makita ng TV host-actress ang loob ng restaurant.

Say nga ni Kris nang kumustahin namin kung ano ang pakiramdam niya, “Nakakanerbyos kasi ang laki ng in-invest namin, pero nakaka-excite rin kasi nu’ng tinour ko sa loob, ang ganda, state of the art na talaga, kasi prototype ‘yung bago nilang kitchen na ibinigay.

“‘Yung mga order makikita mo computerized pagpasok, and then ang ganda nu’ng mga wok, induction na, naaliw ako, ang ganda, gusto kong magkaroon ng ganu’n sa bahay ko, walk-in chiller at freezer, ang saya, ang laki.

“Tapos pag pumasok ka, malalaman mo kung ano ‘yung mga supplier, dami kong na-discover. Even the banyo natuwa ako kasi ang linis at handicap friendly and they will maintain it kasi kinulit ko sila,” tuluy-tuloy na kuwento ni Kris.

Modern na ang ambiance ng nasabing fast food chain at tinawag itong generation 6 na bagong disenyo ngayon at nauna nang sinabi nina Kris at Dom na pawang high-end technology na raw ang gamit nila sa kusina.

Ang target sales araw-araw sa nasabing branch ay P108,000” “Yun ang minimum, boundary, ang projection nila ay 4 and a half years, kasi you have the franchise for 10 years so sana ‘yung 4 and a half, makuha in 4 (years lang).”

Read more...