Samantala, saludo talaga kami sa naging sagot ni dear idol-friend at kumare naming si Gov. Vilma Santos-Recto hinggil sa hindi nito pag-i-impose ng anuman sa karir o mga desisyon sa buhay ng ampon naming si Luis Manzano.
Mapa-career o lovelife o ang pagpasok sa pulitika ay hindi raw talaga pinanghihimasukan ni ate Vi, dahil aniya, “Matalino ang anak ko at kampante akong pinag-iisipang lahat ni Lucky ang kanyang mga desisyon sa buhay.
Basta ako, kami ni Ralph ay nandiyan lang to support.” Kagaya na lang sa isyung dapat ay magsasama-sama sila sa isang movie under Star Cinema nina Angel Locsin.
Sey ni Ate Vi, “We have to respect my son’s decision na huwag na siyang makasama sa amin ni Angel dahil ayaw nga rin niyang isipin ng mga tao na ginagamit nila ang kanilang relasyon para sa movie.
Para sa kanya ay hindi yun magandang tingnan kaya siya na ang nag-beg-off and we respect that.” At dahil ina nga siya ng Batangas na muling magse-celebrate ng “Ala Eh Festival” simula Dec. 1 hanggang sa 15, naitanong sa kanya kung sa dinami-dami ng historical places sa lalawigan ay oobligahin ba niya ang anak na sa Batangas na magpakasal para tulong na rin sa takbo ng turismo roon?
“Naku, mahirap mag-impose ng ganyan. Nasa kanila iyan kung saan nila gustong magpakasal, desisyon nila iyan, nandito lang uli tayo para sumuporta,” tugon pa ni Ate Vi.