DEREK para na ring nag-suicide | Bandera

DEREK para na ring nag-suicide

- April 05, 2012 - 11:09 AM

Sa paglayas niya sa ABS at biglang paglipat sa TV5

Angelica di nakialam sa desisyon ng dyowa

YES, nakalipat na nga si Derek Ramsay sa TV5 after months of supposed wise thinking.

Matagal-tagal ding pina-float ng kampo ni Derek ang kanyang paglipat – we don’t know why.

Simple lang naman iyan, e – kung talagang lilipat siya noon pa, dapat nilinaw nila agad ang isyu.

Pero ang ginawa nila, talagang pinalutang muna nila – met up with ABS-CBN executives eklat na parang nagpapapigil and what not.

Ang ending, mas pinili pa rin ni Derek ang TV5.

And of course, we can’t do anything about it but respect his decision, di ba?

“Iyan ang malaking pagkakamali ni Derek as far as his career is concerned.

Kumbaga sa buhay natin, nakahiga ka na sa kama, lumipat ka pa sa sahig,” anang isang malditang reporter.

“Kasi nga, malayo naman ang ABS compared to TV5.

Pag nasa Dos ka, you are being watched worldwide – malakas ang TFC sa abroad.

Napansin n’yo naman siguro na di-hamak na mas kilala ang mga artists ng ABS kumpara sa artists ng ibang networks.

Kaya nagulat talaga kami when Derek decided to move to TV5.

Parang nag-suicide na rin siya!” sabi naman ng isang concerned fan ng aktor.

For sure naman, pinag-isipan at pinag-aralan muna nina Derek at ng manager niyang si kafatid na Joji Dingcong ang lahat bago sila nagdesisyong umalis sa Dos.

Hindi naman basta-basta aalis si Derek for no reason at all, di ba? “Pera? Baka nasilaw siya sa pera, sa laki ng alok ng TV5.

Kasi nga, napansin n’yo naman siguro na talagang namba-buy out ang TV5 ng artists.

At para makapanulot sila, talagang dinadaan nila sa malaking offer.

Hindi ba obvious?” talak pa ng isa naming kausap.

I don’t think naman it has something to do with money primarily.

Maaaring isang factor na rin ang monetary offer ng Singko pero that’s not all about it naman siguro.

Kasi nga, like anyone of us, kung hindi ka na happy sa bahay mo, lumipat ka ng tirahan.

May ganoon tayo, di ba? Kung masyadong mainit na sa kusina, umalis ka.

Hindi naman exempted si Derek sa ganitong sitwasyon.

Kung naaalala n’yo pa, nagtampo si Derek sa Dos before on a personal level dahil nga sa isang isyung lumabas noon sa news regarding his past controversy.

Iyon yata yung pagpatol ng TV Patrol sa isyu ng pagpapakasal daw noon ni Derek.

Ang feeling ni Derek that time ay parang hindi siya pinrotektahan ng ABS-CBN sa isyung iyon, at sila pa raw ang naglantad.

Na-offend yata si Derek kaya doon nagsimula ang kanyang tampo if I’m not mistaken.

Kung dahil doon kaya sumama ang loob ni Derek, we can’t blame him.

Kung hindi ka naman kasi inaalagaan ng sarili mong tahanan, what’s the use of staying, di ba?

Mansion man siya sa paningin ng lahat kung feeling mo’y hindi ka naman natatrato nang maayos, di baleng lumipat ka sa barung-barong basta masaya ka.

Kasi kung pera lang din naman ang pag-uusapan, may kaya ang pamilya ni Derek. Hindi naman sila naghihikahos sa buhay.

Disente ang pamilya niyan at mga edukado.

So is Derek.

Hindi naman basta-basta lalayas si Derek kung sa tingin niya ay mahalaga pa sa kanya ang iiwanang bahay bago lumipat sa bagong tahanan.

“Kumbaga sa airline tickets, nasa business class na si Derek pero mas pinili niyang lumipat sa economy kasama nina Sharon Cuneta and Aga Muhlach,” panunukso naman ng isang barkada namin.

Sabihin na ninyong lahat ang gusto ninyong sabihin and it doesn’t really matter anymore kay Derek.

Mas mahalaga para sa kanya ang feelings niya, ang kanyang happiness.

Pero ano kaya ang naging comment dito ng girlfriend ni Derek na si Angelica Panganiban? Mukhang tahimik kasi si Angel tungkol sa isyung ito.

Hindi siya nagsasalita kung pabor ba siya o hindi sa pag-transfer ng kanyang boyfriend sa ibang network.

For the longest time kasi ay magkasama sila sa ABS at nakailang proyekto na rin sila together sa Kapamilya network, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi ba pinigilan ni Angel si Derek sa kanyang desisyon? Or she tried, pero talagang hindi na rin niya napigilan si Derek?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending