Programa para sa PWD | Bandera

Programa para sa PWD

Liza Soriano - November 28, 2014 - 03:00 AM

HI po.  Itago n’yo na lamang po ako sa pangalang Mary.   Isa po akong PWD (person with disability).

Nabalitaan ko po na ang ECC ay may programa para sa mga katulad kong PWD.

Sa ngayon po ay nasa bahay lamang ako subalit nais ko sanang makatulong sa aking asawa nang sa gayon ay mapagtapos namin ang aming mga anak sa kolehiyo.

Apat ang anak namin at ang panganay ay nasa high school pa lang.  Kasalukuyan pong nagtatrabaho ang asawa ko bilang factory worker at ako naman po ay nakatapos lamang ng second year college.  Sana po ay matulungan ninyo kami.  Salamat po.
Mary
REPLY:

Para po sa katanungan ni Ms Mary:

Narito ang mga sumusunod na kondisyon upang makatanggap ng biyaya ang nagkaroon ng kapansanan mula sa Employees’ Compensation Program (ECP) :

1.       May work-connected disability o nagkaroon po ng pinsala sa anumang bahagi ng katawan dahil sa pagganap ng tungkulin;

2.       Tumanggap ng EC disability benefits mula sa SSS o sa GSIS;

3.       Maaaring di na nakapagpatuloy ng pagtatrabaho dahil sa naturang work-connected disability

Kung nagkaroon po ng mga naturang kondisyon ang isa pong empleyado o manggagawa ay ituturing na Person with Work-Related Disability (PWRD)

Mangyari lamang po na pakibigay ang pangalan at kumpletong address  ng isang  PWRD sa aming tanggapan upang mabigyan ng kaukulang tulong

Salamat po

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?  Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa [email protected][email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending