Abad-kadabra, kablam!

NA-magic na naman ang arawang obrero, ang taumbayan.  Napakagaling ng salamangkerong gobyerno at pagnanakawan na naman ang mahihirap sa ipinasanang budget ng matatanda at amoy lupang mga tuta.

Abad-kadabra, abad-kadabra at nalipat ang bilyones na pera.   Dili iba’t kay Mar Roxas na mag-isa.  Kablam!

Hi-hi-hi.  Wili ilim tiyi.  Si Ibid pili miy giwi lihit.  Hi-hi-hi.  Kiblim!  Ang halakhak ng mangkukulam, na itago natin sa pangalang Abigail, habang naghahalo sa talyase ng sukdulang gahaman.

Sa isang iglap (kablam), nagkamal ng gabundok na salapi ng taumbayan si Roxas para panghimasukan ang patubig o irigasyon, pabahay, atbp., na sakop at nasa ilalim ng mga ahensiyang itinalaga ng Saligang Batas.  Kung ganito pala ang kalakaran ng anak nina Ninoy at Cory, eh gawin na ring health workers at doktor ang mga pulis, na nasa ilalim ni Roxas.  Kablam!

Tinanong ko si Jimboy (di nakapagtapos sa kolehiyo), nakakulong sa salang robbery with homicide sa Caloocan City Jail, habang naghihintay ng kanyang bista sa Caloocan RTC noong Miyerkules, kung nagkamali siya ng pinagnakawan at pinatay.  Ang sagot: sana ay pinagnakawan na raw niya at pinatay ang pinakababoy na politiko nang sa gayon ay maihango na niya sa hilahud na kahirapan ang kanyang pamilya’t mga magulang.

Maraming nakakulong sa Caloocan City Jail ang nagsisisi kung bakit hindi nila pinagnakawan ang mga kongresista’t senador. Hindi simpleng robbery suspects ang ordinaryong magnanakaw sa City Jail. Sanay silang pasukin ang bahay, mansyon, condo at townhouse.

Kung ang akala ng mga kongresista’t senador ay kagalang-galang pa sila hanggang ngayon o kahapon, nagkamali sila.  Sapagkat marami ang namamatay (at nabubuntis) sa maling akala.

Bakit nagnanakaw ang karaniwang mamamayan?  Sana’y inalam ito ng ganid na mga kongresista’t senador bago nila niloko ang mga bobotante sa tuwing hangalan.

Bakit nangnanakaw ang mga kongresista’t senador?  Aba’y alam na alam na ito ng karaniwang mamamayan dahil trilyones na salapi na pala ang kanilang lalapain, na mula sa pawis at luha ng taumbayang naghihirap at pinahihirapan pa rin.

Imposible, pero sana’y dalawin ng Ikalawang Aquino ang nakabilanggong nililitis sa kasong pagnanakaw (hindi pa sila napatunayang magnanakaw) at tanungin kung bakit naging korap ang mahirap.

Pero, posible na ihayag ang katanungan ng mga nakabilanggong nililitis sa kasong pagnanakaw na kung bakit kailangan pang magnakaw ng milyones at bilyones ang mga kongresista’t senador na pinagkatiwalaan pa ng taumnbayan.  Ayon sa Ebanghelyo, mapatatawad ang maliiit na magnanakaw at sa impiyerno ang tungo ng malalaki at mayayamang magnanakaw (aklat nila Lucas at Mateo).

Noong Miyerkules ay walang maalala ang mga reporter ng Caloocan na nagsagawa ng operasyon ang CIDG-Northern Police District kontra jueteng.  Wala naman talagang operasyon ang mga pulis sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela kontra jueteng, lalo na simula nang maluklok si BS Aquino 3, di ba Rico Puno?

Mainit ang pagtanggap ng mahihirap sa Bagong Silang, Tala at Camarin sa Caloocan City kay Vice President Jejomar Binay noong Martes.  Hindi na tanga ang taumbayan para maniwala sa pambobola at telenovela ng tres musketeros sa Senado.

Galit na galit ang mahihirap kina Antonio Trillanes at Alan Cayetano, na nagpahayag ng interes sa pagtakbo sa pagka-pangulo.  Kaya pala, ayon sa mahihirap, ganoon na lang ang pagdikdik nila kay Binay.

Ang Bagong Silang ang pinakamalaking barangay sa buong bansa.  Nangampanya  dito si Cory Aquino noong snap election.  Solid ang Bagong Silang kay Cory noon, tulad ng kahanga-hangang Solid North ni Marcos.

MULA sa bayan (0906-5709843):  Ang lotto na tig-P20 per combination ay hindi pangmahirap.  Ang mahirap ay walang tsansang manalo.  Malaking halaga ang P20 sa mahihirap.  Kung may mini-sweepstakes na tig-P5 bawat tiket ang PCSO, sana may mini-lotto na rin na tig-P5 per combination.  Di na bale kung maliit ang premyo. …9382

Read more...