Vilma vs Grace Poe: Bakbakan sa pagka-vice president sa 2016

By Cristy Fermin November 28,2014
share this

Vilma vs Grace Poe: Bakbakan sa pagka-vice president sa 2016

By Cristy Fermin November 28,2014
share this
VILMA SANTOS AT GRACE POE

VILMA SANTOS AT GRACE POE

Kung matutuloy ang pagsasabong kina Governor Vilma Santos at Senadora Grace Poe sa pagkandidato bilang vice-president sa 2016 ay mahahati ang suporta ng lokal na aliwan.

May matinding koneksiyon sa showbiz si Governor Vilma bilang Star For All Seasons at si Senadora Grace Poe naman ay anak ng namayapang Action King na si Fernando Poe, Jr..

Ngayon pa lang ay marami nang humihiling na sana’y huwag silang maglaban sa isang mataas na posisyon, sana raw ay iba na lang ang ipanglaban sa kanila, dahil siguradong maiipit sa mga nag-uumpugang bato ang mga taga-showbiz.

Matindi ang suportang ibibigay siyempre pa kay Governor Vilma ng kanyang mga tagahanga aktibo man siya o hindi ay palaging nandiyan lang para magmahal at sumuporta sa kanya, huwag ding maliitin ang mga tagahanga ng pumanaw na si Da

King dahil kahit ilang taon nang namamayapa ang kanilang idolo ay buhay na buhay pa rin ang kanilang pagmamahal.

Balitang-balita na si Senadora Grace Poe ang magiging runningmate ng kandidato ng Liberal Party, si Governor Vilma naman ang minamanok ng UNA ni VP Jejomar Binay, kaya kung hindi magbabago ang mga plano ay magiging matindi ang labanan ng dalawang responsableng babaeng pulitiko.

Malayo pa naman ang 2016, marami pang puwedeng mangyari, baka naman magbago pa ang mga umuugong na plano ngayon ng mga nagbabanggaang partido.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending