Walang natatalo sa eleksyon sa bansa

KINAMPIHAN ng Supreme Court ang Commission on Elections sa desisyon nito na i-disqualify si ER Ejercito bilang gobernador ng Laguna dahil sa overspending noong nakaraang eleksyon.

Hindi puwedeng kuwestiyunin ang desisyon ng Korte Suprema dahil ang desisyon nito ay batay sa Comelec resolution.

Pero bakit si Ejercito lang ang nakita ng Comelec samantalang halos lahat ng kandidato ay gumagastos ng labis sa nakasaad sa batas?

Ang pagbibili ng boto, halimbawa, ay hindi kasama sa election spending, pero hindi nahahalal ang isang kandidato kapag hindi siya bumibili ng boto sa panahon ng eleksyon.

Ang pagbibili ng boto o panunuhol sa mga botante ay karaniwang gawain ng mga kandidato sa araw ng halalan.

Si Edgar San Luis, na tinalo ni Ejercito noong 2010 election, ang siyang nagsampa ng disqualification sa Comelec.

Pero matitingnan ba ni San Luis ang tao ng direkta sa mata at sabihin niyang hindi siya nag-overspend o bumili ng boto?

Sa bansang ito, walang natatalo sa eleksyon dahil sinasabi ng natalo na siya’y dinaya.

Itinaas na ng Bureau of Immigration (BI) ang order na hindi papasukin ang siyam na journalist na nag-interview kay Pangulong Noy at nagtanong ng mga nakakainis na questions noong 21st Asia Pacific Cooperation (Apec) Summit sa Bali, Indonesia noong isang taon.

Ang mga tanong sa Pangulo ay kaugnay sa pagkakapatay ng walong Hong Kong tourists sa Luneta noong 2011 dahil sa kapabayaan ng ating
gobyerno.

In the first place, bakit iniutos ang entry ban sa siyam na  Hong Kong journalists when we pride ourselves as having the freest press in Asia, if not in the world?

Ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang nagbigay ng desisyon na threats to national security ang siyam na Hong Kong journalists.

Por Dios, por santo, paano naman naging national security risks ang siyam na  journalists na nagtanong lang ng mga nakakainis na questions sa Pangulo?

Ang “National Intelligence” ay may mababang IQ o intelligence quotient.

Dapat ay inunawa ng NICA ang mga Hong Kong journalists who were just expressing the sentiments of their government and people over the killing of Hong Kong tourists at the Luneta in 2011.

Walang namang ginawang masama ang mga nasabing journalists. Di naman nila sinaktan ang
pangulo.

Di sila tulad ng isang Arab journalist na pumukol ng kanyang sa-patos kay US President George W. Bush sa Iraq ilang taon na ang nakalipas.

Bakit naman sila hindi pinapasok sa bansa?

Dapat piliing mabuti ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga banyaga na nagbo-volunteer na mag-alaga sa mga street children.

Nag-medical mission ang grupo ng Ramon Tulfo, Good Samaritan Foundation at ang grupo ng mga doktor na pinangungunahan ni Dr. Hil Dineros (columnist din ng Bandera) sa Mandaue Central Elementary School sa Mandaue City, Cebu ng isang araw noong Miyerkules, Nov. 25.

Maraming mga bata at maging mga matatanda ang nagpakonsulta sa medical, dental at surgical mission.

Napansin ko ang dalawang banyaga na mga mukhang Arabo na nagdala ng sampung bata sa dental clinic na aming itinayo sa loob ng eskuwelahan.

Hindi ako naghinala sa dalawang foreigners dahil babad ako sa pag-attend sa mga doktor at mga miyembro ng aking team. Isa pa, may kasama silang taga DSWD.

Pero nang mag-usap-usap kami sa aming tinuluyang hotel tungkol sa mga nagawa namin sa eskuwelahan, nabanggit ng isang dentista na napansin niyang hinahawakan ng mga banyaga ang mga bata sa mga maseselang bahagi ng kanilang katawan.

Tinawagan ko kahapon si Violy Cavada, head ng DSWD sa Cebu, at sinabi ko sa kanya ang inasal ng mga banyaga.

Sinabi ni Cavada na iimbestigahan niya kaagad ang aming concerns.

Ang tanong: Ano ang batayan ng DSWD sa pagpili ng foreign volunteers upang mag-alaga sa mga street children?

Read more...