Boy Abunda nanindigan para sa mga kasambahay at driver

boy abunda\
BUMULAGA sa amin ang artikulo na lumabas sa isang entertainment website tungkol sa mensahe ng sister ni Katherine Garrido na si Annette Agguado kung saan tinawag niyang “comic duo” ang King of Talk na si Boy Abunda at Queen of All Media na si Kris Aquino.

Si Katherine ang property manager na nakalagda sa “discriminatory memo” raw na tumutukoy sa ‘di paggamit ng mga household help at drivers ng elevator na ginagamit ng kanilang mga amo.

Sakto naman at may imi-meet kami sa DZMM na kalapit lang ng studio ng show ni Kuya Boy with Kris, ang Aquino & Abunda Tonight noong Lunes.

Naimbitahan na tuloy kami ni Kuya Boy na manood ng live episode nila that night kung saan ang guests niya ay sina Isabelle Daza at Daniel Matsunaga.

After the show, tinangka naming kunin ang reaksyon ni Kuya Boy sa mensaheng ipinost ni Annette sa kanyang Facebook account in defense of her sister na si Katherine. Subalit tumanggi ang King of Talk na magsalita.

Maliban sa bahagi kung saan tinawag silang dalawa ni Kris na “comic duo.” Sabi niya, “Karapatan naman niya ‘yan kung tawagin niya kaming comic duo. Okey lang ako.”

Nag-follow-up  question kami kung na-offend ba siya sa pagtawag sa kanila ni  Kris as comic duo, “Kung ‘yan ang nais niyang itawag sa amin, that’s her right, okay? Karapatan niya ‘yon. Hindi nga lang kami nakakatawa.

Pero syempre, she said it with obvious sarcasm. We’ll take it,” sagot ni Kuya Boy. Pero paninindigan niya ang karapatan ng mga kasambahay at drivers, “Ah, pinaninindigan ko na ang kanilang karapatan ay hindi, the rights of drivers and household helps are not less than the  rights of the people they work for. Ipaglalaban ko ‘yun,” diin nya.

Sinabi pa ni Boy kay Aguado na rebyuhin niya ang memo na ginawa ng kanyang kapatid. “It’s not personal,” sambit ni Boy. “Tama naman ‘yung sister.

Tama naman ‘yung sister sabihin na ang kanyang kapatid ay sumusunod lamang sa polisiya ng mga mayari halimbawa, ng condominium.”  Unfortunately,  ang sister ni Aguado ang signatory sa memo.

“Sino ang aming…. who we do comment on where her sister is the signatory of the memo. Go back to the memo. We’re not talking about painters na may dala-dalang brushes, we’re not talking about, other suppliers halimbawa, na alam naman natin na hindi pwedeng gumamit ng hindi service elevator.

Balikan mo ang memo kung ano ang sinasabi,” aniya. Ipinaliwanag din ni Kuya Boy that this is a free and democratic country, “Diniscuss ko nga doon yung black slavery and civil rights union…equal but separate.

Balikan natin yung memo. Doon lang ang pag-usapan natin. And we’re also open. I’d like to be enlightened.”

Read more...