Ano ang tamang tire pressure?

motor for site
ANG hangin sa loob ng gulong ay sinusukat sa pamamagitan ng pressure.  May mga pagkakataon na parang kulang ang air pressure ng gulong, subalit kapag sinukat ay tama naman ito.

Ang gulong ang pinakamadaling i-adjust pero kalimitang hindi pinagtutuunan ng pansin hanggang sa punto na kailangang-kailangan na talaga.

Ang tamang pressure ng gulong ay kalimitang inilalagay ng mga tire manufacturer sa side wall nito. Doon matatagpuan ang minimum at maximum na pressure na kaya ng gulong.

Kapag nasobrahan, maaarig sumabog ang gulong kapag nag-init na ito kapag ibiniyahe ng mahaba. Maaari namang masira ang kulong kung kulang ang hangin nito lalo na kapag lubak-lubak ang daan.

Ang pressure ay kalimitang sinusukat gamot ang PSI o Pounds per Square Inch na siyang standard na ginamit sa Estados Unidos. Maaari rin naman na KPa o Kilo Pascals.

Kung bagong bili ang motorsiklo mo, maaaring mahanap sa manual ang tamang sukat ng hangin. Inirerekomenda na regular na suriin ang pressure ng gulong upang maalagaan ang gulong at maiwasan ang insidente ng running flat .

Ang tamang pagsukat ng pressure ng gulong ay kapag malamig ito. Ibig sabihin hindi pa ito naibibiyahe ng malayo. Kapag gumulong na kasi ito sa kalsada, maaaring tumaas ng 10 porsyento ang pressure ng hangin sa loob kaya hindi makukuha ang tamang sukat nito.

Mas madali ring mabutas ang gulong kung matutusok ito habang sobra ang nakalagay na hangin. Pero may mga pagkakataon din na maaaring sumabog ang gulong kulong kulang ang hangin nito. Maaaring mahina lamang ang pagsabog pero sapat ito upang mapunit ang goma.

May mga nagrerekomenda na sukatin ang pressure tatlong oras muli ng huli itong gamitin. Ang kalimitang maririnig natin sa mga motorista ay 30 psi na siyang standard pressure.

Kapag matagal na hindi ginamit ang sasakyan mapapansin na nababawasan ang hangin ng gulong. Maliliit kasi ang molecule ng hangin at nakalulusot ito—bagamat mabagal—sa microscopic na butas sa goma.

Huwag ding magtaka kung ang rekomendasyon ng tire manufacturer o ng maker ng motorsiklo na hangin sa harapan at likurang gulong ay magka-iba.

Inirerekomenda rin na kung magpapalit ng gulong, pagsabayin ang harap at hulihang gulong. Tandaan din na ang motorsiklo ay idinisenyo na dalawa lamang ang sakay.

Kaya kapag labis ang pinapasang bigat ng gulong ay mas madali itong masisira. Maaaring masakit ito sa bulsa subalit hindi dapat isaalang-alang ang kaligtasan ng nagmamaneho at kanyang angkas.

MAY katanungan ka ba tungkol sa iyong motor?   I-text sa 0917-8446769 o  i-email sa pinoysportsfanatics@gmail.com

Read more...