Michael nominado sa 2014 Aliw Awards

michael pangilinan
NGAYONG 7:30 p.m. na sasabak sa kaniyang pinakamalaking performance ang mahal nating alagang si Michael Pangilinan sa Music Museum – isang pangarap na finally ay matutupad na.

It’s every performer’s dream to step on Music Museum stage para masabing MADE na siya. Totoo iyan. Hindi yung basta nag-guest ka lang sa show ng iba ha – it has to be your own concert.

Kaya grabe ang kabang nararamdaman ni Michael sa mga oras na ito – hanggang sa matapos ang “MICHAELabot Ng Mga Kolehiyala (It’s My Time, Pare)” niya ay tsaka pa lang siya makakampante siguro.

Feeling niya ay nanganganay na naman siya. This time, mas bongga ang inihanda naming songs sa kaniyang repertoire para merong bagong mapanood ang kaniyang mga regular audience.

Halos fully-booked na rin si Michael in the next months. What he is so excited about December is his very first time na pag-travel abroad. Kasama siya sa mga performers kasi ng Gabay Guro ng PLDT sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Dec. 14.

Aalis kami ng Dec. 13 and will be back on Dec. 15. “Excited ako to perform out of the country. Sana makapasyal ako sa Kuala Lumpur kasi nga, first time kong lalabas ng bansa. Baka lumabas ang pagka-promdi ko sa Malaysia.

Ha-hahaha! Kidding aside, excited talaga ako because I am traveling with people who are very dear to me – siyempre, kasama kita ‘Nay, si Tito Ambet Nabus at ang mahal kong si Mama Chaye (Cabal-Revilla).

Thanks for considering me sa trip na ito for the Pinoy teachers natin na nagtatrabaho roon. Anytime for Gabay Guro,” ani Michael. Parang kailan lang nang magsimula si Michael sa mainstream ng music industry.

Ang laki na talaga ng pag-develop niya physically, emotionally and spiritually. Kahit sa musicality niya. Nakakatuwa si Michael because napakatinik sa kantahan.

He’s one of the few male singers nating napakalinis ng falsetto. In fairness to him, maganda talaga ang hagod ng boses – may sariling identity. When he sings a cover, nagmumukhang original niya kung minsan dahil sa kaniyang galing.

“Mami-miss ko ang concert ng baby nating si Michael. Nasa Amsterdam kasi ako now eh. Meron kaming DZMM World Caravan pero kasama siya sa prayers ko. I hope na sobrang magtagumpay ang concert niya.

Alam ko namang successful talaga iyan pero gusto ko, umapaw talaga ang mga tao!” lambing na mensahe ni Papa Ahwel Paz sa Facebook kahapon.

Isa rin sa ikinai-excite ni Michael ay ang kaniyang nomination for Aliw Awards this coming Dec. 1 na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World.

Yes, he is nominated for Best New Male Artist sa nasabing very prestigious award-giving body for music and live entertainment.
“Para ma-nominate sa Aliw Awards ay isang malaking karangalan na para sa akin.

Hindi ako umaasa pero siyempre, I am praying na makuha ko ang award. Kahit sino naman, di ba? Pero kung hindi man ako palarin, at least nominated ako and that’s good enough,” he wishes.

Sasamahan ka namin sa pagdarasal, Michael. After all, you deserve all these glories in life. Basta ba ipangako mo lang sa amin that you remain good and humble. Ha-hahaha!

“Good boy naman ako ever since, di ba ‘Nay? Don’t worry, babawasan ko na ang lakwatsa ko. Magku-concentrate na ako lalo sa pagkanta ko!” pangako niya.

Tingnan nga natin. Ha-hahaha! Ayaw pang maniwala! Goodluck, anak!

Read more...