Sigaw ng bashers: Jinkee ang plastik mo!

jinkee pacquiao
MARAMING naplastikan sa mga naging pahayag ni Jinkee Pacquiao tungkol sa pagkukumpara sa itsura ng kanyang asawang si Manny at sa huling nakalaban nito sa ring na si Chris Algieri.

Nang tanungin kasi ang misis ni Pacman sa isang interview kung ano ang masasabi niya sa matinee idol look ni Algieri, ang naging tugon daw nito ay, “Mas pogi pa rin ang asawa ko,” sabay halakhak nang malakas.

Dugtong pa raw nito, “Loyal ako sa asawa ko. Hindi ko ipagpapalit ‘yun.”  Dahil dito, inulan ng lait si Jinkee mula sa netizens, parang masyado naman daw defensive ang butihing maybahay ni Manny sa kanyang naging tugon sa tanong.

Very obvious naman daw kasi na napakaguwapo ni Algieri kumpara kay Pacman at siguradong pati siya ay kinilig sa kaguwapuhan ng boksingero.

Sana raw ay nagpakatotoo na lang si Jinkee at hindi na nag-inarte pa. Pero in fairness, may nagtanggol naman sa kanya. Ayon sa isang fan ni Pacman, naiintindihan niya kung bakit ganu’n ang naging sagot ni Jinkee sa tanong.

“Siyempre, asawa niya si Pacman, alangan namang ilaglag niya ito sa harap ng buong mundo, di ba? Tsaka malay mo nga naman kung sa paningin niya ay mas heartthrob ang mister niya kesa kay Algieri.

Wala kayong karapatang i-bash si Jinkee, it’s her right bilang misis ng People’s Champ!” mataray na sey pa ng tagapagtanggol ni Jinkee.

Pero sa nasabi ring interview, sinabi ni Jinkee na naawa rin siya kay Algieri dahil sa tinamo nitong bugbog mula sa kanyang mister, nalamog talaga ang mukha ng kalaban ni Manny, “Nakakaawa nga rin siya.

Pero OK naman siya kalaban. Malakas rin,” ang hirit pa raw ni Jinkee Pacquiao.

Read more...