SMB hangad makisosyong muli sa liderato

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Globalport vs San Miguel Beer
7 p.m. Rain or Shine vs NLEX
Team Standings: Alaska (7-1); San Miguel Beer (6-1); Rain or Shine (5-2); Barangay Ginebra (5-3); Talk ‘N Text (5-3); Purefoods Star (4-3); Meralco (4-4); Globalport (4-4); NLEX (3-4); Barako Bull (2-6); Kia (1-7); Blackwater (0-8)

SISIKAPIN ng San Miguel Beer na muling makisosyo sa liderato at palakasin ang tsansang makakuha ng automatic semifinals berth sa duwelo nila ng Globalport sa 2014-15 PBA Phiippine Cup mamayang alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa ikalawang laro sa ganap na alas-7 ng gabi, magtutuos ang Rain or Shine at NLEX.

Ang Beermen (6-1) at ang Elasto Painters (5-2) ay kapwa may three-game winning streak.

Matapos na maungusan ng Alaska Milk, 66-63, ang San Miguel Beer ay nagwagi sa sumunod na tatlong laro kontra NLEX (79-76), Barangay Ginebra (79-77) at Kia Sorento (90-74). Kung mananalo muli ang Beermen mamaya ay makakatabla nila sa itaas ang Aces.

Matapos naman ang 105-97 panalo kontra Talk ‘N Text, ang Globalport ay naungusan ng Alaska Milk, 87-84, sa kanilang out-of-town game sa Xavier Gym sa Cagayan de Oro City noong Sabado para bumagsak sa 4-4 kartada.

Read more...