GALIT na galit ang fans ni Maricel Soriano sa pagkatalo ng idol nila kay Kim Chiu sa katatapos lang na Star Awards for TV. Pati ang supporters nina Bea Alonzo at Angel Locsin ay naimbiyerna rin.
Halos magwala sa social media ang supporters nina Maricel. Ang feeling nila ay hindi deserving si Kim na nagwagi for her role sa Ikaw Lamang.
Merong isang die-hard Maricel fan ang sunud-sunod na nag-tweet, “Minsan may pagkakataon na matatanggap ko yung pagkatalo e. This time talaga hindi. Hahahahaha. Kakaloka. Paki-sampal please. Mga 25.”
“In any award giving bodies we need to respect their choices. Pero it is a fact na medyo compared noon lower credibility na now sa local awards. Pero ang hirap tanggapin. Di ko talaga inexpect. hahahah!!”
Even in one very popular website, ballistic ang reactions ng netizens. They felt Kim does not deserve the best actress award.
“I have nothing against Kim but she was the weakest among the nominees.
Sa comedy nakakatawa talaga siya pero mga fantard lang ang magsasabing magaling siya sa drama.” “MY GOODNESS, FOR REAL? ANYARE? BAKA NAGPA ONLINE OR TEXT VOTING ANG COMMITTEE NG STAR AWARDS KAYA NAGING WINNER SI IISA ANG FACIAL EXPRESSIONS KAPAG NGUMINGITI OR UMIIYAK.”
“Hahahaha ang laking joke! natalo niya si angel as monica? owsss or si bea? as in kim? wow ha!” Pati tuloy ang Star Awards ay nakatikim ng pananaray when one said, “How low can star awards get? Who believes this award giving body anyway?” Aray ko!
But for us, nakakaarte naman si Kim. Hindi man siya magaling na magaling umarte ay hindi naman siya banong umarte.