Mommy Dionisia biglang umalis sa upuan , sumalpak na lang sa sahig

manny pacquiao
Lumabas na ang lahat ng mga papuri tungkol sa ating Pambansang Kamao. Minsan pang ipinagbunyi ng sambayanang Pilipino si Pacman na nagpa-tumbling nang ilang beses sa guwapo niyang “punching bag” na si Chris Algieri.

Katangi-tangi pa rin ang lakas ng kamao ni Manny Pacquiao, batung-bato ang dating ng kanyang mga suntok, kaya walang pamimilian ang kanyang kalaban kundi ang tumakbo na lang para maiwasan ang mabangis niyang bigwas.

Pero nakakaaliw na nakakainis ang pagiging OA ni Mommy Dionisia Pacquiao, mahal na mahal talaga ng dakilang ina ni Pacman ang mga camera, kapag alam nitong nasa kanya ang focus ay para itong nahahalina sa paggawa ng mga bagay-bagay na mismong pamilya nito ay yuyuko na lang sa sobrang kahihiyan.

Tama bang mula sa upuan ay sumalampak sa sahig si Mommy Dionisia habang nakikipagpalitan ng suntok ang kanyang anak sa ring? Nakakaloka!

At talagang eeksena ang ina ni Pacman, hindi puwedeng magsimula at matapos ang kanyang pakikipagsalpukan nang hindi nito naaagaw ang atensiyon ng publiko, napakakarakter talaga ni PacMom!

Ha! Ha! Ha! Ha!

Read more...