Julie Anne may planong mag-join sa beauty pageant, handang magsuot ng two-piece


julie anne san jose

Sa tindig, sa ganda at sa talino ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose, pwedeng-pwede siyang maging beauty queen. Sa presscon ng kanyang first major concert na “Hologram”, natanong ang dalaga kung type ba niyang sumali sa mga beauty pageant.

“Actually, ayoko. Ha-hahaha! Ayoko talaga. But if it’s worth the try, I would love to, I would love to naman,” pag-amin ng Asia’s Pop Sweetheart.

Ayon kay Julie Anne, ine-entertain naman niya ang idea ng pag-join sa beaty pageant, tulad ng Binibining Pilipinas o Miss World-Philippines? “I still don’t know.

Kasi depende pa rin po yan sa takbo ng career ko. So we have to gauge muna kung ano yung dapat na i-prioritize na projects.”
Paghahandaan din daw niya ang pagsusuot ng two-piece bikini once na magdesisyon na siyang sumali sa beauty contest,

“Siguro nasa process naman po yun, e. And tine-train naman po kapag beauty queen, ‘di ba?”  Posibleng magkasabay sila next year sa pagsali sa beauty pageant ng bagong ka-loveteam ng partner niya noong si Elmo Magalona na si Janine Gutierrez, hindi kaya balak talaga niyang makipag-compete kay Janine? “Ay, wala naman po akong…hindi naman po ako nakikipagkumpitensiya.”

Pero kung matutuloy ang sabay na pagsali nila sa beauty contest, magandang laban ‘yan!

Read more...