WALA pa sa plano ni Erich Gonzales ang magpakasal sa kanyang non-showbiz boyfriend na ubod ng yaman. Mula ito sa isang kilala at mauimpluwensiyang pamilya na nagmamay-ari ng malalaking shopping malls sa bansa.
Ayon kay Erich, napakarami pa niyang gustong gawin, lalo na sa kanyang career kaya wala pang mangyayaring kasalan in the near future. Nagpapasalamat nga ang Kapamilya actress dahil nauunawaan ng boyfriend niya ang kanyang trabaho, lalo na ang pagiging super busy niya.
“Very understanding siya. Bihira nga kami magkita as I’m so busy sa TV and movies. Sometimes, he’d bring me food sa set then aalis na. Magkasosyo kami sa mga resto business.
We’re opening another fine dining resto before this month ends,” kuwento ni Erich nang makachika namin sa nakaraang presscon ng MMFF entry ng Regal Films sa Dec. 25 na “Shake Rattle & Roll XV” kung saan bibida sila ni JC de Vera sa episode na “Ahas”.
Sey pa ni Erich, naniniwala siya na ang kasal ay pinag-iisipang mabuti at hindi minamadali, “No plans yet na bumuo ng family. I want to do more movies and teleseryes. Ine-enjoy ko pa ang career ko.”
Samantala, inamin ng aktres na dusa ang inabot niya habang ginagawa ang “Ahas” episode ng “Shake Rattle & Roll 15” directed by Dondon Santos. “Dalawa ang roles ko as twin sisters Sandra at Sarah.
Pero si Sarah, nagiging ahas kaya itinatago ng pamilya nila sa ilalim ng isang mall.” Kahit hindi diretsahang sabihin ng mga taong bumubuo sa nasabing episode, naniniwala ang lahat na ito’y base sa isang urban legend noon tungkol sa isang shopping mall.
Diumano, may taong ahas daw sa ilalim ng nasabing mall na nambibiktima ng magagandang babae na namimili sa nasabing mall.Ayon kay Erich, napakahirap daw ng role niya bilang ahas dahil bukod sa akting, kailangan din siyang lagyan ng prosthetic make up bilang snake woman.
“Malaking dusa kasi isa-isang dinidikit ang mga kaliskis ng ahas sa balat ko. It takes about three hours to put it on at ganun din kapag tinatanggal na. Mainit, masakit at nag-react ang balat ko with rashes.
But when I saw it on screen, it’s all worth it. “I assure the audience na sa hitsura ko pa lang, matatakot na sila. Challenging ang two roles ko kasi magkaiba ang ugali ng twin sisters.
Yung isa, sobrang na-in love kay JC at dito magkakaroon ng big conflict in the story,” ania pa.Natanong din si Erich kung sa totoong buhay ba ay takot siya sa ahas? “Not really, nakahawak na ako ng ahas.
Iba’t iba rin, pero pare-pareho silang madulas!” Pero sa tunay na buhay, nakaranas na ba siyang mang-ahas o may nang-ahas na ba sa boyfriend niya? “Yes, nang-aahas, like my character Janine in Two Wives, naahas si Jason Abalos from Kaye Abad. But in real life, hindi ako ganoon, ha. Hindi ko pa naranasang maahasan o mang-ahas.”