KC: Ngayon lang ako niluhuran ng lalaki!

Sey mo Papa Piolo sa gwapo niyang manliligaw?

KAHIT lantaran na ang ipinakitang pagkagusto sa kanya ni Jules Knight, isa sa mga member ng international boyband na Blake, hindi pa rin nagpakita ng pagkaatat si KC Concepcion sa British singer.

Say ni KC, talagang hindi pa siyang handang pumasok sa bagong relasyon ngayon, pero hindi rin naman daw niya ipinagkakait sa kanyang sarili ang makakilala ng mga bagong kaibigan.

Kung inyong matatandaan, biglang lumuhod si Jules sa harapan ni KC sa ASAP two Sundays ago, at niyaya nga nitong mag-dinner ang dalaga. Natuloy ang “date” ng dalawa.

Sa The Buzz last Sunday, ikinuwento ni KC ang pagkikita nila uli ng British singer.

“Kasi first time ako na niluhuran ng lalaki, I mean hindi naman sa serious pero first time talaga na parang,  ‘Ano’ng ginagawa mo diyan?’ Parang gusto ko siyang alalayang tumayo.

Sabi ko bilang Pilipina rin kasi syempre they’re visitors din sa bansa. Ayoko lang isipin nila na snob tayo.

“Talagang I made sure we would have dinner, inikot ko siya sa neighborhood ko sa The Fort, tapos tinuturuan ko siya ng konting Tagalog, nag-usap lang kami, nag-dinner kami,” chika pa ng TV host-actress-singer.

Say naman ni Jules sa naging date nila ni KC, “It was great. We had dinner.

We actually met KC the first time we were here and we got along very well with her, she’s really a great girl.

She’s got a wonderful personality, she looks very beautiful and when we met her, we didn’t know that she was so famous.

We didn’t know that she was a national treasure and very well loved.”

Pero ‘yun nga lang, hindi pa raw talaga handa si KC na magka-boyfriend uli pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Piolo Pascual, “Sa ngayon po kasi siyempre hindi ko pa po naiisip ‘yan.

Nu’ng nangyari ‘yung last year natakot na talaga akong mag-entertain ng mga tao from showbiz yung public din ang buhay.

Again I told him I want to have fun, I want to have a good time and I’ve been through a lot to get into a serious relationship again, but we’ll see.”

Bumalik na sa London si Jules pero sa darating na July daw ay nasa Pilipinas daw uli sila, aniya, “I live in London so it’s logistically not the easiest thing.

If I live in Manila definitely, but we’ll see.

We’re going to come back here hopefully in July for a few weeks and be back throughout the year so if she’d do me the honor to have dinner with me again, it would be good.”

Read more...