Jennylyn, Derek may ibubuga rin pala sa comedy

derek ramsay

BAGAY palang magtambal sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado at feeling namin bagay din kung magiging sila. Ha-hahaha!

Naaliw kami nang mapanood namin ang trailer ng “English Only Please” na isa sa official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival. Malakas ang chemistry ng dalawa sa screen.

Nakakatawa nga si Jennylyn dahil walang effort ang pagko-comedy niya bilang mali-mali sa English habang dalang-dala naman ni Derek ang kunwa’y pag-aaral ng Tagalog.

Mas gusto kasi namin si Jennylyn sa drama lalo na sa “Blue Moon” noong 2006 kaya nang napanood namin siya sa comedy film na “Working Girls” noong 2010 ay hindi namin nagustuhan ang aktres dahil parang trying hard siyang magpatawa.

Sa “English Only Please” ay effortless ang pagiging komedyana niya pero siyempre may drama pa rin sa kuwento, partikular sa bandang ending kung saan nai-in love na siya kay Derek.

Si Kean Cipriano pala ang ex-boyfriend ni Jennylyn sa pelikula na ginagamit lang siya,  parang effortless din ang acting ng singer-actor dahil ito yata talaga ang tatak niya sa showbiz, nanggagamit para sumikat? Ha-hahaha!

Hmmmm, sinisiguro namin na isa ang “English Only Please” sa mga una naming panonoorin sa darating na MMFF ngayong Dec. 25 dahil gusto naming matawa. Nasa listahan din namin ang “Praybeyt Benjamin 2” at “My Big Bossing”.

At siyempre ang “Feng Shui 2” nina Kris Aquino at Coco Martin dahil gusto naming malaman kung mahihigitan nito ang takot factor ng unang “Feng Shui”.

Read more...