Kahit saan sila mag-show ay palaging napaliligaya ng OPM Hitmen ang kanilang audience. Bakit nga hindi, may kani-kanyang maipagmamalaking pinasikat na mga kanta sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad Borja, du’n pa lang ay panalong-panalo na ang manonood.
Sa December 11, sa Zirkoh-Tomas Morato, kasama si Marion Aunor ay ilang oras na paliligayahin ng OPM Hitmen ang kanilang mga tagahanga.
Nakakaaliw ang grupong ito dahil parang naglalaro lang sila habang nagpe-perform. Nang maging guest namin sila sa radyo ay kitang-kita namin ang ebidensiya na walang nagkakabugan sa kanila, nagbibigayan sila ng moment, ‘yun ang dahilan kung bakit balanse ang kanilang performance.
“Saka iba po kaming mag-show, walang pahinga ang stage, hindi nababakante. Kung moment ngayon ni Renz, kaming tatlo nina Chad at Rannie ang mga back-up singers niya.
“Bigayan talaga, walang kahit sino sa amin ang may gustong maging bida sa show, pantay-pantay kami ng exposure. Gusto naming mabisita ang lahat ng lugar sa Pilipinas para patuloy naming maiparamdam sa kanila na buhay na buhay pa rin ang Original Pilipino Music,” sinserong pahayag ni Richard.
At ganu’n mismo ang magaganap sa December 11 nang gabi sa Zirkoh-Tomas Morato, haharanahin ng OPM Hitmen ang kanilang mga tagahanga, live nilang ihahandog ang mga piyesang pinasikat nila na hanggang ngayo’y alam na alam pa rin ng ating mga kababayan.
Ang “OPM Hitmen, Live!” ay sa direksiyon ni Mak de Leon at sa suporta naman nina Mayor Enrico Roque ng Pandi Bulacan at Amana Water Park, Zaldy Aquino ng St. Anne Power Academy of Marilao at Technological College of St. Pio, Tito Jojo Soliman ng Purefeeds Corporation, Tito Manny and Tita Norsky Garcia, Valenzuela City 1st District Councilor Marlon Alejandrino, Mr. Joey Marcelo at Kitkat Diestro ng Sante’ Pure Barley, Tita Dolly Salcedo ng Baliwag Lechon Manok-Liempo, JP Samson ng 52 West Cars at Turtles Family KTV, CIBAC Partylist Congressman Sherwin Tugna, Glutamax, Mr. Robert Ty ng Moose Gear at Moose Girl Apparel, Tito Serafin at Tito Ramon Pua ng Lily’s Peanut Butter at ni Mr. James Vincent Navarrete ng Mighty Corporation at La Campana.