Marian: Wala akong ginastos sa kasal, si Dong lahat ‘yan!

marian rivera
Kinontra ni Marian Rivera ang mga chika na 50/50 ang hatian nila ni Dingdong Dantes sa gagastusin sa kanilang kasal sa Dec. 30, 2014.

Ayon sa GMA Primetime Queen, si Dingdong lang ang naglalabas ng pera para sa kanilang wedding kaya hindi totoo ang mga naglalabasang tsismis na siya ang nagbayad sa isusuot niyang wedding gown.

“Du’n po sa sinasabing mahal ang gown ko, tanungin niyo na lang po sa magiging asawa ko kasi siya po ang gumagastos para sa kasal namin. Ni isang kusing wala po akong ginagastos.

“Totoo po, iyon po talaga ang katotohanan, wala po talaga akong ginastos,” sey pa ni Marian.

Read more...