AFTER a series of solo shows these past months, youngest Concert Heartthrob Michael Pangilinan is very excited as he invades Music Museum on Wednesday, Nov. 26 as he turns 19 years old. Dubbed as “MICHAELabot Ng Mga Kolehiyala (It’s My Time, Pare)”, Michael is set to conquer the centerstage once again with new set of songs in his repertoire.
“Nandiyan pa rin siyempre ang ilang songs sa album ko under Star Records and my Himig Handog entry na ‘Pare Mahal Mo Raw Ako’. I’m very grateful to the more than two million viewers ng music video namin sa YouTube.
Nakakataba ng puso para sa isang baguhang katulad ko ang pagtangkilik nila sa kanta ko. “Kaya I promise everyone na hindi ko kayo bibiguin, sa abot ng aking maliit na kakayanan, sisiguraduhin kong pag-iigihan ko ang trabaho ko para lalo niyo pa akong mahalin,” Michael sweetly promised us.
“First time akong magku-concert sa Music Museum kaya ganoon na lang ang kaba ko. I’ve performed na doon a couple of times pero as guest lang ng ibang artists-friends natin pero ngayon.
Whew! Parang nagtatakbuhan ang mga daga sa dibdib ko sa nerbiyos dahil heto na, show ko na ito. Nagdarasal akong sana tauhin ang concert ko, na sana’y maganda ang kalabasan ng show namin.
Kaya tulungan niyo po akong magdasal para hindi naman ako mapahiya sa lahat ng manonood,” dagdag pa ni Michael.
“May mga bago akong ginawang mga areglo para kay Michael.
A combination of old and new songs – may mga medleys siyang kakaiba. Oo naman, nandiyan pa rin ang mga tunog niya like yung mga songs na paborito niyang kantahin, ‘Latch’, ‘Rude’, ‘Pare’, at ‘Kung Sakali’.
Pero nilagyan ko ng few kakaibang numbers like ‘Usahay’, ‘Buchikik’ at marami pang iba.”Magaling kasi talagang bata iyang si Michael kaya di ako hirap gawan ng areglo ang mga songs niya.
Sana nga ay mas malayo pa ang marating ng batang iyan – huwag sanang maging pasaway one day,” pagmamalaki ni Tito Butch Miraflor, ang musical director ng concert na ito.
Magiging special guests ni Michael sina KZ Tandingan, Marion Aunor, Prima Diva Billy, Luke Mejares, Jimmy Bondoc, Jay-R and Aljur Abrenica with the special participation of Atak, Gie Kinis and Rowell Quizon na silang magbibigay ng comic relief sa show.
“Sayang nga at wala si Kuya Duncan (Ramos) and Kuya Carlo (Aquino) sa line-up ngayon. May show kasi si Kuya Duncan sa States that day pero nangako naman si Kuya Carlo na makigulo sa production number namin with the boys. Since birthday ko naman sa mismong araw na ito, parang party-party lang ang ambiance.
Basta wish me luck na lang,” ani Michael na regular pa ring napapanood sa KrisTV at Walang Tulugan at regular din siyang co-host ni DJ Chacha sa MOR 101.9 tuwing Tuesday.
“MICHAELabot Ng Mga Kolehiyala (It’s My Time, Pare)” at the Music Museum on Nov. 26. See you all there!
Still on Michael, it’s a sad week for him at nataon pang magbi-birthday pa naman ito sa Wednesday, Nov. 26 dahil kahapon ng 5 a.m. ay pumanaw ang kaniyang maternal grandmother sa Bulacan.
Palagi pa namang dinadalaw ni Michael ang lola niya on weekends pag wala siyang trabaho. As of this writing ay tulog pa si Michael sa Batangas with his Kuya Sam dahil he sang sa isang birthday party kahapon ng lunchtime.
“Hindi pa alam ni Michael na wala na ang lola niya. Tumawag lang ang kasambahay namin sa Bulacan at sinabi ngang namatay na ang inang ko.
Actually hindi ko rin sinabi kay Sam (kuya ni Michael na kasama niya sa Batangas) na wala na ang lola nila pero nabasa na raw niya sa Facebook. Next week na ang libing.
“Probably itong Thursday na, huwag ‘kako nilang isabay ang libing sa mismong birthday ni Michael at may show pa ang bata. Hindi magugustuhan ng lola niyang maapektuhan ang show ng apo niya.
Mahal kasi ng lola niya si Michael. Kaya sa Huwebes na namin ililibing si inang after ng birthday concert ni Khel,” ani Mommy Precy Sunga Pangilinan, butihing ina ni Michael.
Balak pa naman ni Michael, right after his birthday show ay didiretso na sila ng mga friends niya sa isang resort sa Batangas para doon mag-celebrate ng kaniyang 19th birthday.
Silang magbabarkada lang with his Kuya Sam. Hindi nga niya isasama ang parents niya dahil baka ma-out of place lang daw sa kasiyahan nilang mga bagets.
Safe party lang naman daw iyon na sila-sila lang. Paano na iyan ngayon? For sure, magkakaroon ng change of plans ito. For sure, may malaking effect ito kay Michael dahil he’s so close to his lola.
But since may kasabihan tayong “the show must go on” – tuloy ang Music Museum concert niya sa Wednesday but definitely punumpuno ang puso ang pag-perform ni Michael sa show.
Lalo na sa last song niya – asahan ninyong iiyak dito si Michael. That last song MUST be dedicated to his lola. Hay naku, sobrang sad.