Mariel may lihim tungkol kay Claudine

claudine barretto
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Robin Padilla mamayang gabi sa Talentadong Pinoy kapag sumayaw na nang nakatangga ang kapatid niyang si BB Gandanghari kasama sina Mariel Rodriguez-Padilla, Dennis Padilla at Rommel Padilla para sa isang production number bilang mga Talentadong Padilla para sa surprise birthday celebration ng aktor.

Sinadyang hindi ito ipaalam kay Binoe at maging ang asawang si Mariel ay hindi rin nagkukuwento, “Gulatan na lang,” ang sitsit sa amin ng taga-production.

Kaabang-abang din ang pag-upo ni Claudine Baretto, Dennis Padilla at direk Joyce Bernal bilang talent scouts sa gabing ito.
Samantala, sasalang sa entablado ang talentadong Pinoy ng Biñan na si Marvic Alvarez o “Amazing Kid” na magpapamalas ng galing nya sa pagba-balance.

Si Jadzelle Ventura o mas kilala bilang “Simply Called Jadzelle” ang talentadong Pinoy ng Pasig City ay magpapakita naman ng talento sa pagbirit. Taga-Cainta naman si Alejandro Baldemoro na sasabak din sa entablado ng TP upang patunayan kung bakit siya tinawag na “Tsako Elastiko”.

Samantala, ipapakita naman ni Edmon Villamor ng Novaliches ang natatangi niyang talent sa pagma-magic kung kayat nabansagan din syang “Magic of Mhon”.

Hindi rin magpapahuli si Neil Rey Garcia ng Davao sa kanyang kakaibang talent sa pagkanta at pagbi-beat box. Samantala, inamin ni Mariel na na-starstruck  siya kay Claudine Barretto.

Idol pala niya ang aktres noon pa at ito raw ang dahilan kung bakit niya pinasok ang showbiz. Bata pa raw siya nang maging tagahanga siya ni Claudine, sinuportahan daw talaga niya ang mga project noon ng aktres.

Kaya naman ng nalaman nito na isa si Claudine sa magiging talent scouts ngayong Sabado, ay agad-agad itong nagpa-picture ng magkita na sila sa taping.

Read more...