Sigaw ng bashers: Version ni Kathryn ng ‘Mr. DJ’ super chaka

sharon cuneta
WE saw the video of Kathryn Bernardo while singing “Mr. DJ”, ang unang pinasikat na kanta ng Megastar na si Sharon Cuneta.
Parang naglalaro lang si Kath sa video, nagpapa-cute lang.

Hindi man kagandahan ang kanyang boses ay naitawid naman nang maayos ng dalaga ang kanta. Obvious na enjoy na enjoy siya sa song na tila dedicated kay Daniel Padilla whose nickname is DJ.

But people in social media were harsh on Kathryn. Kung anu-anong pinagsasabi nila sa kanilang mga comments, hindi nila nagustuhan ang version ni Kath. “Tuluyan na talagang patay ang OPM. Nahaluan na ng jejemonster. Ang chaka!”

“Ayaw ni Tita Shawie ng ganito. Niri-revive ang mga kanta nya. Grabe talaga yung mga artista. Iniexploit. Pinipiga lahat para lang kumita ang management pati yung artista.

Sana pag pinapakanta at binibigyan ng album yung may talento talaga at hindi so-so lang.” “Dislike – hindi bagay sa kanya kumanta, fake ang da-ting.”

“Kayo naman, kung si Manny Pacquiao, Judy Ann, Anne Curtis, at pati si Solenn Heussaff eh may mga album eh pagbigyan nyo na ang Jeje Queen.”

Tarush ng mga comments, ‘di ba? Kawawa naman si Kathryn.

Read more...