Pamilya Quizon di pabor sa ‘HULING HABILIN’ ni Pidol; masama raw ang loob kay Zsa Zsa

quizon family

There seems to be a problem between Zsa Zsa Padilla and the Quizon children of the late comedian Dolphy. True ba ang nasagap naming balita na iko-contest ng mga Quizon ang last will and testament ng kanilang daddy? Bakit naman kaya nila gagawin ito? Hindi ba sila pabor sa mga detalye ng last will ni tito Dolphy?

Ano naman kaya ang matinding dahilan kung bakit nila gustong ipabago kung sakali ang mga nakasaad sa last will ng dakilang komedyante?

True ba ang umiikot na chikang naimbiyerna ang mga Quizon nang magdyowa kaagad si Zsa Zsa? Nasaktan ba sila nang labis dahil hindi pa man nagtatagal ay nakakuha na ang Divine Diva ng bagong iibiigin?

Ano naman kaya ang masasabi ni Zsa Zsa rito? Anyway, bukas ang pahinang ito sa panig ni Zsa Zsa at sa mga anak ni Dolphy. Hindi biro ang usapin tungkol sa mana kaya dapat linawin na agad nila ito dahil tiyak na hindi matatahimik ang kaluluwa ni Mang Dolphy kung totoo ngang may isyung ganito sa naiwan niyang pamilya.

Read more...