WILLIE: Ako pa ang mayabang ako pa ang pinarusahan!

Muling naglabas ng sama ng loob sa dating network

Nu’ng  Sabado nang gabi ay naging guest sa Wil Time, Bigtime ang mga dating co-hosts ni Willie Revillame sa Wowowee na sina Saicy, RR Enriquez at Roxanne Guinoo.

Natural, dahil nu’n lang uli sila nagkita-kita pagkatapos nang halos dalawang taon, ay puro pagbabalik-tanaw at kantiyawan ang nangyari sa kanila kasama si Mariel Rodriguez.

Nadala ng kanyang emosyon si Willie, “Kilala n’yo ako kung paano magtrabaho.

Maaga akong dumarating sa studio, mas nauuna pa ako sa ibang staff. Pero bakit ganu’n?

Ako pa ang sinabihang mayabang, ako pa ang tinanggal, ako pa ang pinarusahan?” nagbibirong-totoo na litanya ni Willie.

Maya-maya ay nagkuwento siya sa kanyang mga guests, “Alam n’yo, masarap magtrabaho dito sa TV5.

Ang mga boss namin, palaging nakasuporta. May matatanggap kang text, galing kay Sir MVP, ‘Hi, Willie! How are you?’ Mga ganu’n!

“Ang presidente ng network, tatawagan ka, kukumustahin ka, napakasarap! Ganu’n sina Attorney Ray C. Espinosa, Mr. Bobby Barreiro, si Mr. Manny V. Pangilinan, napakasarap nilang maging boss!

“Ngayon ko lang natikman na i-text ako ng mga boss ng network, never na nangyari ‘yun sa akin noon, si Ma’m Charo Santos lang ang gumagawa nu’n sa akin!” litanya pa rin ni Willie.

Kapansin-pansin na sa paulit-ulit niyang pagkukuwento ay hindi niya nababanggit ang pangalan ni Ms. Cory Vidanes, si Ma’m Charo lang ang palagi niyang kinukumusta, saka sina direk Johnny Manahan at Ms. Mariole Alberto na palagi niyang naaalala.

Sa puntong ‘yun ay nauunawaan namin si Willie, napakarami kasing impormasyong nakarating sa kanya na galing sa mag-asawang direk Bobet at Ms. Cory Vidanes, nagpapakatotoo lang siya sa kanyang sarili at sa publiko.

Pero kung minsan nga, ang akala nating negatibo ay nagiging positibo pa, tulad na lang ng pagkawala niya sa ABS-CBN at paglipat sa TV5 na mas nagpaunlad pa sa kanyang personal na buhay at career.

Sa totoo lang.

Read more...