Medyo marami ang naangasan sa latest tweet ni Lea Salonga. May pagka-sarcastic kasi ang bitaw niya ng salita when she tweeted, “Just because an artist that gets into TVOP doesn’t conform to your taste, it doesn’t give you the right to bash them. Wala kang karapatan.”
Known as a very straightforward person, marami ang naloka sa mga tweets ni Lea. Kasi naman, talagang diretso ang mga messages niya, tamaan ang tamaan, magalit kung sino ang magalit.
But her recent tweet has attracted more bashers like this one who said, “Sumosobra na tong si Lea kala mo kung sinong magsalita pero kung mag bash sya tse hypokrita mo.”
“Ayan nanaman si TITA Lea. Such a pontificating, self-righteous woman. Lumaki ka kamo sa Tate where hard truths are dished out pero ikaw mismo hindi mo keri. Che!” say naman ng isa pa.
This one nailed it, “Don’t take my fan, don’t call me tita, can’t say this or that, do as I say but not as I do. Lea sounds like a hypocritical dictator.” Aray ko!
One Lea fan defended the singer and said, “Agree with Lea. Hirap sa ating mga nanonood at mga Pinoy in general, masyado tayong nagmamarunong at balat sibuyas. Pag hindi lang nakapasok or nakuha ang mga gusto, ngumangawa na agad.”
We think that since Lea opened herself on social media, talagang hindi mapipigilan na merong mam-bash sa ‘yo.
Ang napapansin lang namin, maraming celebrities ang ginagamit ang social media para i-promote ang mga activities nila – shows, concerts, mall tours, TV shows, movies. Hindi ba sila nahihiya sa ginagawa nila? Imagine, iniengganyo nila ang mga followers nila para panoorin sila. Nagmumukha silang alipin ng kanilang network sa ginagawa nila, ‘no!
Gets mo, Lea?
Hindi rin ba nakakairita na pagbukas mo sa Twitter or FB account ng mga artista ay ang daming ipino-post nila about their endorsements? Hindi ba nakakasuka ‘yon?
Ang mga artista, palaging may request sa mga followers nila. Sinasamantala nila ang kanilang kasikatan para pagkakitaan ang mga followers nila sa social media – ALL BECAUSE OF MONEY!!!